عَنْ أَبِي الدَّرْدَاءِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«أَلاَ أُخْبِرُكُمْ بِأَفْضَلَ مِنْ دَرَجَةِ الصِّيَامِ وَالصَّلاَةِ وَالصَّدَقَةِ؟» قَالُوا: بَلَى، قَالَ: «صَلاَحُ ذَاتِ البَيْنِ، فَإِنَّ فَسَادَ ذَاتِ البَيْنِ هِيَ الحَالِقَةُ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي] - [سنن الترمذي: 2509]
المزيــد ...
Ayon kay Abu Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na mainam kaysa sa antas ng ayuno, dasal, at kawanggawa?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Ang pag-aayos sa may namagitang alitan sapagkat tunay na ang pagkasira sa may namagitang alitan ay ang tagapag-ahit."}
[Tumpak] - [رواه أبو داود والترمذي] - [سنن الترمذي - 2509]
Nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: "Magpapabatid ba ako sa inyo hinggil sa higit na mainam kaysa sa pabuya ng pagpapabuya ng kinukusang-loob na ayuno, dasal, at kawanggawa?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: Ang pagsasaayos sa pagitan ng mga nag-aalitan ay yayamang nagbubunsod ang pag-aalitan ng pagkawatak-watak, pagkailang, pagmumuhian, at pagtatalikuran sa pagitan ng mga tao sapagkat tunay na ang inireresulta sa kaguluhan ng may namagitang alitan ay ang katangian na kabilang sa pumapatungkol dito na magpasawi ito at magtanggal ito ng buhay panrelihiyon at buhay pangmundo kung papaanong nagtatanggal ang labaha ng buhok.