عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: مَا خَطَبَنَا نَبِيُّ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِلَّا قَالَ:
«لَا إِيمَانَ لِمَنْ لَا أَمَانَةَ لَهُ، وَلَا دِينَ لِمَنْ لَا عَهْدَ لَهُ».
[حسن لغيره] - [رواه أحمد] - [مسند أحمد: 12383]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Hindi nagtalumpati sa amin ang Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) malibang nagsabi siya:
"Walang pananampalataya para sa sinumang walang pagkamapagkakatiwalaan sa kanya at walang relihiyon para sa sinumang walang [pagtupad sa] kasunduan sa kanya."}
[Maganda dahil sa iba pa rito] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad] - [مسند أحمد - 12383]
Nagpapabatid si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na madalang na magtalumpati ang Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o mangaral malibang bumanggit siya ng dalawang bagay: Una. Walang kumpletong pananampalataya para sa sinumang sa sarili niya ay may kataksilan sa isang tao sa ari-arian nito o sarili nito o mag-anak nito; Ikalawa. Walang kumpletong relihiyon para sa sinumang nagtataksil sa mga kasunduan at mga tipan at sumisira sa mga ito.