عَن أَبي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لاَ يُشِيرُ أَحَدُكُمْ عَلَى أَخِيهِ بِالسِّلاَحِ، فَإِنَّهُ لاَ يَدْرِي، لَعَلَّ الشَّيْطَانَ يَنْزِعُ فِي يَدِهِ، فَيَقَعُ فِي حُفْرَةٍ مِنَ النَّارِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 7072]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Hindi manunutok ang isa sa inyo sa kapatid niya ng sandata sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam baka ang demonyo ay bumunot nito sa kamay niya saka babagsak siya sa isang hukay mula sa Impiyerno."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 7072]
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi manutok ang Muslim sa kapatid niyang Muslim ng alinmang uring kabilang sa mga uri ng sandata sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam baka ang demonyo ay mag-udyok sa kanya sa pagpapagalaw ng sandata sa kamay niya saka makapatay siya sa kapatid niya o makaperhuwisyo siya roon kaya masasadlak siya sa pagsuway na magpapahantong sa kanya sa pagbagsak sa isang hukay mula sa Impiyerno.