عَنِ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَنْ يَزَالَ المُؤْمِنُ فِي فُسْحَةٍ مِنْ دِينِهِ، مَا لَمْ يُصِبْ دَمًا حَرَامًا».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 6862]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi matitigil ang mananampalataya sa pagiging nasa isang kaluwagan mula sa Relihiyon niya hanggat hindi siya nagbuhos ng isang dugong bawal."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 6862]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mananampalataya ay hindi matitigil sa pagiging nasa isang kaluwagan at lawak ng mga gawain niyang maayos at pag-asa sa awa ni Allāh at kapatawaran Nito at paumanhin Nito hanggang sa pumatay siya ng isang taong ipinagbabawal patayin sapagkat sisikip sa kanya ang mga gawain niya dahil ang mga ito ay hindi makatutumbas sa timbang ng pagpatay at pagkakasala niyang mabigat.