عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنْ تَرَدَّى مِنْ جَبَلٍ فَقَتَلَ نَفْسَهُ فَهُوَ فِي نَارِ جَهَنَّمَ يَتَرَدَّى فِيهِ خَالِدًا مُخَلَّدًا فِيهَا أَبَدًا، وَمَنْ تَحَسَّى سُمًّا فَقَتَلَ نَفْسَهُ فَسُمُّهُ فِي يَدِهِ يَتَحَسَّاهُ فِي نَارِ جَهَنَّمَ خَالِدًا مُخَلَّدًا فِيهَا أَبَدًا، وَمَنْ قَتَلَ نَفْسَهُ بِحَدِيدَةٍ فَحَدِيدَتُهُ فِي يَدِهِ يَجَأُ بِهَا فِي بَطْنِهِ فِي نَارِ جَهَنَّمَ خَالِدًا مُخَلَّدًا فِيهَا أَبَدًا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5778]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang tumalon mula sa isang bundok saka pumatay sa sarili niya, siya ay sa apoy ng Jahannam tatalon doon samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman. Ang sinumang humigop ng isang lason saka pumatay sa sarili niya, ang lason niya sa kamay niya ay hihigupin niya sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman. Ang sinumang pumatay ng sarili niya sa pamamagitan ng isang pirasong bakal, ang pirasong bakal niya sa kamay niya ay ipansasaksak niya sa tiyan niya sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5778]
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nanadya ng pagpatay sa sarili niya sa Mundo sapagkat tunay na siya ay parurusahan sa Araw ng Pagbangon sa apoy ng Jahannam sa pamamagitan ng mismong pamamaraan na ginawa niya sa sarili niya sa Mundo bilang ganting karampatan. Kaya ang sinumang nagpabagsak ng sarili niya mula sa ibabaw ng isang burol saka pumatay nito, siya ay sa apoy ng Jahannam babagsak doon mula sa mga burol ng Jahannam papunta sa mga lambak nito samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman. Ang sinumang lumagok ng isang lason saka pumatay ng sarili niya sa pamamagitan nito, ang lason niya sa kamay niya ay lalaguk-lagukin niya sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman. Ang sinumang tumaga ng sarili niya, sa pamamagitan ng isang pirasong bakal, sa tiyan niya saka pumatay nito, ang pirasong bakal niya sa kamay niya ay ipantutusok niya sa tiyan niya sa apoy ng Jahannam samantalang mamamalaging pamamalagihin doon magpakailanman.