عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ:
قَدِمَ أُنَاسٌ مِنْ عُكْلٍ أَوْ عُرَيْنَةَ، فَاجْتَوَوْا المَدِينَةَ فَأَمَرَهُمُ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِلِقَاحٍ، وَأَنْ يَشْرَبُوا مِنْ أَبْوَالِهَا وَأَلْبَانِهَا، فَانْطَلَقُوا، فَلَمَّا صَحُّوا قَتَلُوا رَاعِيَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، وَاسْتَاقُوا النَّعَمَ، فَجَاءَ الخَبَرُ فِي أَوَّلِ النَّهَارِ، فَبَعَثَ فِي آثَارِهِمْ، فَلَمَّا ارْتَفَعَ النَّهَارُ جِيءَ بِهِمْ، فَأَمَرَ فَقَطَعَ أَيْدِيَهُمْ وَأَرْجُلَهُمْ، وَسُمِرَتْ أَعْيُنُهُمْ، وَأُلْقُوا فِي الحَرَّةِ، يَسْتَسْقُونَ فَلاَ يُسْقَوْنَ، قَالَ أَبُو قِلاَبَةَ: فَهَؤُلاَءِ سَرَقُوا وَقَتَلُوا، وَكَفَرُوا بَعْدَ إِيمَانِهِمْ، وَحَارَبُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ.
المزيد
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May dumating na mga taong mula sa `Ukl o `Uraynah saka napangitan sila sa Madīnah. Kaya naman nag-utos sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [na pumunta] sa mga gatasang kamelyo at na uminom mula sa mga ihi ng mga ito at mga gatas ng mga ito. Kaya humayo naman sila; ngunit noong lumusog sila, pinatay nila ang pastol ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at itinaboy nila ang mga kamelyo. Nakarating [sa Propeta] ang balita sa simula ng umaga kaya nagpadala siya [ng tutunton] sa mga bakas nila. Noong nagtanghali, inihatid sila saka nag-utos siya, saka ipinaputol ang mga kamay nila at ang mga paa nila at pinakuan ang mga mata nila. Itinapon sila sa Al-Ḥarrah. Humihingi sila ng maiinom ngunit hindi sila pinaiinom. Nagsabi si Abū Qilābah: "Ang mga ito ay nagnakaw, pumatay, tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila, at nakipagdigmaan kay Allāh at sa Sugo Niya."}