عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«مَنْ حَمَلَ عَلَيْنَا السِّلَاحَ فَلَيْسَ مِنَّا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 7071]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang nagdala laban sa atin ng sandata ay hindi kabilang sa atin."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 7071]
Nagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagdadala ng sandata laban sa mga Muslim para sa pagpapangamba sa kanila o pagdambong sa kanila. Kaya ang sinumang gumawa niyon nang walang karapatan, nakagawa nga siya ng isang malaking krimen at isang malaking kasalanan kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala at naging karapat-dapat nga siya sa matinding bantang ito.