عَنْ أَبِي ذَرٍّ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ أَنَّهُ سَمِعَ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«لاَ يَرْمِي رَجُلٌ رَجُلًا بِالفُسُوقِ، وَلاَ يَرْمِيهِ بِالكُفْرِ، إِلَّا ارْتَدَّتْ عَلَيْهِ، إِنْ لَمْ يَكُنْ صَاحِبُهُ كَذَلِكَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6045]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Walang nagpaparatang na isang lalaki sa isang lalaki ng kasuwailan at walang nagpaparatang dito ng kawalang-pananampalataya malibang manunumbalik ito sa kanya, kung ang pinaratangan niya ay hindi naging gayon."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6045]
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi sa ibang tao: "Ikaw ay suwail" o "Ikaw ay tagatangging sumampalataya" saka kung ito ay hindi naging gaya ng sinabi siya, magiging siya ang karapat-dapat sa paglalarawang nabanggit at babalik sa kanya ang sabi niya. Hinggil naman sa kapag ito ay gaya ng sinabi niya, walang babalik sa kanya na anuman dahil sa pagiging siya ay nagsabi ng totoo sa sinabi niya.