عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «لا يَحِلُّ لمسلم أن يَهْجُرَ أخَاه فوق ثَلَاث، فمن هَجَر فوق ثَلَاث فمات دخل النَّار».
[صحيح] - [رواه أبو داود وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ni Allāh-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:(( Hindi ipinapahintulot sa isang Muslim na lumikas siya sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong araw,ang sinuman ang lumikas ng mahigit sa tatlong araw at siya ay namatay,Siya ay papasok sa Impiyerno))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ang kahulugan ng Hadith; Tunay na hindi ipinapahintulot sa isang Muslim na lumikas sa kapatid niyang Muslim na hihigit sa tatlong araw,Kung ang paglikas na ito ay dahil sa kagustuhan ng sarili at pamumuhay sa mundo,Subalit, kung ito ay dahil sa isang layunin para sa Islam, ito ay pinapahintulutan, datapuwat ito ay magiging katungkulan,tulad ng paglikas sa mga taong gumagawa ng Bid'ah,kriminal at may malalaking kasalanan,kapag sila ay hindi nagbalik-loob,At sinuman ang gumawa nito pagkatapos ay namatay na siya ay nagpapatuloy sa mga kasalanan niya at hindi siya nagbalik-loob bago mamatay, Siya ay papasok sa Impiyerno. At napag-alaman na sinuman ang karapat-dapat sa Impiyerno mula sa mga Muslim,Dahil sa kasalanan nagawa niya na hindi pinatawad ni Allāh sa kanya,tunay na kapag siya ay napasok rito, nararapat na siya ay makakalabas rin dito.At hindi siya mananatili sa Impiyerno ng magpakailanman, maliban sa mga hindi mananampalataya, na silang mananahanan rito.at wala ng ibang paraan na makalabas sila mula rito