عن جابرٍ رضي الله عنه قال: سمعت النبي صلى الله عليه وسلم يقول:
«إِنَّ بَيْنَ الرَّجُلِ وَبَيْنَ الشِّرْكِ وَالْكُفْرِ تَرْكَ الصَّلَاةِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 82]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 82]
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-iwan sa ṣalāh na isinatungkulin. Nagpabatid siya na sa pagitan ng tao at ng pagkasadlak sa shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh. Ang ṣalāh ay ang ikalawang haligi mula sa mga haligi ng Islām at ang pumapatungkol dito ay dakila sa Islām. Kaya ang sinumang nag-iwan nito habang nagkakaila sa pagkakinakailangan nito ay tumangging sumampalataya ayon sa pagkakaisa ng hatol ng mga Muslim. Kung nag-iwan siya nito nang lubusan dala ng pagwawalang-bahala at katamaran, siya ay tagatangging sumampalataya. Naipaabot ang pagkakaisa ng hatol ng mga Kasamahan doon. Kung siya naman ay nag-iiwan nito paminsan-minsan at nagdarasal paminsan-minsan, siya ay malalantad sa matinding bantang ito.