+ -

عَنْ ‌أَبِي حُمَيْدٍ أَوْ عَنْ ‌أَبِي أُسَيْدٍ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِذَا دَخَلَ أَحَدُكُمُ الْمَسْجِدَ فَلْيَقُلِ: اللَّهُمَّ افْتَحْ لِي أَبْوَابَ رَحْمَتِكَ، وَإِذَا خَرَجَ فَلْيَقُلِ: اللَّهُمَّ إِنِّي أَسْأَلُكَ مِنْ فَضْلِكَ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 713]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Ḥumayd o ayon kay Abū Usayd na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, magsabi siya ng: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo)."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 713]

Ang pagpapaliwanag

Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya sa panalangin na sinasabi sa sandali ng pagpasok sa masjid: Allāhumma –ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kaya naman hihiling siya kay Allāh na maglaan para sa kanya ng mga kadahilanan ng awa Nito. Kapag naman nagnais siyang lumabas, magsabi siya ng: Allāhumma innī as'aluka min faḍlik (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo). Kaya naman hihiling siya kay Allāh ng kabutihang-loob Nito at dagdag sa paggawa Nito ng maganda sa kanya na panustos na ipinahihintulot.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng panalanging ito sa sandali ng pagpasok sa masjid at paglabas mula roon.
  2. Ang pagtatangi ng pagbanggit ng awa sa pagpasok at ng kabutihang-loob sa paglabas ay dahil sa ang pumapasok ay nagpakaabala sa nagpapalapit sa kanya kay Allāh at sa Paraiso Nito kaya nababagay na banggitin niya ang awa. Kapag naman lumabas siya, magpupunyagi siya lupa sa paghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh na panustos kaya nababagay na banggitin niya ang kabutihang-loob.
  3. Ang mga dhikr na ito ay sinasabi sa sandali ng pagnanais ng pagpasok sa masjid at sa sandali ng pagnanais ng paglabas mula roon.