+ -

عَنْ ‌أَبِي قَتَادَةَ السَّلَمِيِّ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِذَا دَخَلَ أَحَدُكُمُ الْمَسْجِدَ فَلْيَرْكَعْ رَكْعَتَيْنِ قَبْلَ أَنْ يَجْلِسَ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 444]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Qatādah As-Salamīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, yumukod siya ng dalawang rak`ah bago siya umupo."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 444]

Ang pagpapaliwanag

Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang pumunta sa masjid at pumasok doon sa alinmang oras, at dahil sa alinmang layon, na magsagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah bago maupo. Ang dalawang rak`ah na ito ay ang dalawang rak`ah na ṣalāh ng pagbati sa masjid.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsasagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah bilang pagbati sa masjid bago maupo.
  2. Ang utos na ito ay para sa sinumang nagnais na maupo. Kaya naman ang sinumang pumasok sa masjid at lumabas bago umupo, hindi nakasasaklaw sa kanya ang utos.
  3. Kapag pumasok ang magdarasal sa pinagsasagawaan ng ṣalāh habang ang mga tao ay nasa ṣalāh saka lumahok siya sa kanila rito, makasasapat na ito sa kanya para magsagawa pa ng dalawang rak`ah.