Talaan ng mga ḥadīth

Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatulqadr) dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna sa pagkakasala niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal ako kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng dalawang tindig bago ang Al-Dhuhr;at dalawang tindig pagkatapos nito,at dalawang tindig pagkatapos ng Al-Jumuah,at dalawang tindig pagkatapos ng Al-Maghrib,at dalawang tindig pagkatapos ng Al-`Eishah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bumangon ka at magdasal ka ng witr, o `Ā’ishah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Inihahanda namin para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Siwak niya at pampalinis niya,Gigisingin Siya ni Allah sa anumang [oras] na naisin Niya itong gisingin sa gabi,Maglilinis siya sa kanyang mga ngipin [gamit ang Siwak],at magsasagawa ng Wudhu at magdadasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog sa unang bahagi ng gabi at gumigising sa huling bahagi nito at nagdadasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sa bawat gabi ay nagdadasal ng Witr ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: mula sa unang gabi,at kalagitnaan nito at huli nito,at natatapos ang pagdadasal niya ng Witr sa huling bahagi ng gabi.))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagdadasal ng dalawang tindig na magaan pagkatapos ng pagsikat ng Bukang-liwayway
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nag-iiwan noon ng apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at ng dalawang rak`ah bago ng madaling-araw.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kinakaawaan ni Allah ang isang taong nagdasal bago ang dasal ng Asr nang apat na tindig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagdarasal sa gabi at araw ay dalawa dalawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
(Ang pinaka-mainam na pag-aayuno pagkatapos ng Buwan ng Ramadhan ay ang Buwan ng Allah na Muharram,at ang pinakamainam na Pagdarasal pagkatapos ng ng mga Obligado ay ang Dasal na Gabi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Salamah bin`Abdurrahman,Na sinabi niya ,na tunay na tinanong niya si `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Kung papaano magdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa buwan ng Ramadhan? Nagsabi siya;(( Hindi nagdaragdag ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Buwan ng Ramadhan at hindi sa iba nito,nang labing-isang tindig,nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng tatlong tindig,Nagsabi si `Aishah: Sinabi ko,O Sugo ni Allah,natutulog kaba bago ka magdasal ng Witr? Nagsabi siya:( O `Aishah,tunay na ang dalawang mata ko ay natutulog,ngunit hindi natutulog ang Puso ko)) Saheh Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal sa gabi nang labin-tatlong tindig,kabilang rito ang Witr,at dalawang tindig sa (dasal ng madaling araw).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magdasal kayo ng Witr bago kayo umagahin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang natatakot na hindi makapag-dasal sa huling-gabi,ay magdasal ito ng Witr sa unang-gabi nito,at sinuman ang naghahangad na makapag-dasal sa huling-gabi nito,ay magdasal ito ng Witr sa huling-gabi nito,Dahil ang pagdarasal sa huling-gabi ay sinasaksihan,at ito ang mas-mainam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magdasal kayo o mga Tao sa mga bahay ninyo,dahil ang pinakamainam na dasal ng tao ay sa bahay niya maliban sa dasal na Obligado
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, yumukod siya ng dalawang rak`ah bago siya umupo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita kitang nagdadasal na [hindi nakaharap] sa Qiblah?Nagsabi siya:Kung hindi ko lang nakita ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ginagawa niya ito,hindi ko ito gagawin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay Nagluluwalhati sa likod ng sinasakyan niya kung saan ito nahaharap,at ibinababa niya ang ulo niya,at si Ibn `Umar ay isinasagawa ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagtuturo sa amin ng istikhara sa lahat ng gawain,gaya ng pagtuturo niya sa amin ng sūrah ng Qur’an.Sinasabi niya: Kapag nagbalak ang isa sa inyo ng isang bagay ay magdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi isinatungkuling [ṣalāh]. Pagkatapos ay sabihin niya:O Allah, sumasangguni ako sa Iyo sa pamamagitan ng kaalaman Mo. Humihiling ako sa Iyo ng kakayahan sa pamamagitan ng kakayahan Mo.Humihingi ako mula sa sukdulang kabutihang-loob Mo,sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya at hindi ako nakakakaya,at nakaaalam Ka at hindi ako nakaaalam at Ikaw ay ang pinakanakaaalam sa mga nakalingid.O Allah, kung nalalaman Mo na ang bagay na ito [banggitin dito ang kailangan] ay mabuti para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko ay itakda Mo na mangyari ito sa akin at pagaanin Mo ito para sa akin, pagkatapos ay biyayaan Mo ako rito.Kung nalalaman Mo na ang bagay na ito ay masama para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko ilayo Mo ito sa akin at ilayo Mo ako rito, at itakda Mo na mangyari sa akin ang mabuti saan man ito,pagkatapos ay palugudin Mo ako dito. Hindi magsisi ang sinumang humingi ng patnubay sa Tagapalikha, sumangguni sa mga nilikhang mananampalataya,at nagpakatatag sa pasya niya sapagkat nagsabi Siya,Napakamaluwalhati Niya: at sanguniin mo sila sa usapin. Kaya kapag nagpasya ka ay manalig ka kay Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ginawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na magpanatili sa mga bagay ng Kusang-loob,tulad ng [pagpapanatili niya] sa dalawang tindig na dasal sa Al-Fajr.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Unahan ninyo ang umaga sa pagsasagawa ng witr.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Mainam na lalaki si `Abdullāh kung sakaling siya ay nagdarasal sa gabi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya hindi ko ba iibiging ako ay maging isang lingkod na mapagpasalamat?"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at sina Abu Bakar,at `Umar,sila ay nagdadasal ng dalawang Eid bago ang Sermon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
(( Sinuman ang nakatulog mula sa pagdarasal nito [gitna ng ]Gabi,o di kaya`y sa ilang bahagi nito,Pagkatapos ay binasa niya ito sa pagitan ng Dasal ng Fajr at Dasal ng Dhuhr,Isusulat sa kanya,na para niya itong binasa sa [gitna ng ] Gabi.))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag inantok ang isa sa inyo habang siya ay nagdarasal, humiga siya hanggang sa maalis sa kanya ang antok
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
magdasal ang [bawat] isa sa inyo ayon sa sigla niya at kapag napagod siya ay matulog siya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ahem, manatili kayo sa nakakaya ninyo; sapagkat sumpa man kay Allah, hindi nanghihinawa si Allah hanggang sa manghinawa kayo. Ang pinakakaibig-ibig na pagrerelihiyon sa Kanya ay ang pinamamalagi ng nagsasagawa nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag kami ay bumababa sa isang lugar,Hindi kami nagluluwalhati hanggat hindi namin nakalag ang aming mga kasangkapan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinag-utos sa amin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na lumabas kami sa dalawang Eid,ang mga dalaga,at ang may mga pangharang [sa bahay],at ipinag-utos sa mga may regla na lumayo sa pinagdadasalan ng mga Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
...Allāhumma laka aslamtu, wa bika āmantu, wa `alayka tawakkaltu, wa ilayka khāṣamtu, wa bika ḥākamtu, fa-ghfir lī mā qaddamtu, wa mā akhkhartu, wa asrartu, wa a`lantu, wa mā anta a`lamu bihi minnī; lā ilāha illā anta (...o Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, dahil sa Iyo ako nakipagtalo, at sa Iyo ako nagpahatol, kaya magpatawad Ka sa akin sa anumang [kasalanang] naunang nagawa ko, anumang [kasalanang] nahuling nagawa ko, inilihim ko, inihayag ko, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam hinggil doon kaysa sa akin; walang Diyos kundi Ikaw)."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagdadasal at sa dibdib niya ay boses na parang boses ng gilingan dahil sa pag-iyak niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abdullah bin Al-Maznie,nasabi siya,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-( Magdasal kayo bago sumapit ang Maghrib ng dalawang tindig))pagkatapos ay nagsabi siya;((Magdasal kayo bago sumapit ang Maghrib ng dalawang tindig,sa sinumang mag-nais)) Pagkatakot na baka gawin ito ng mga Tao na Sunnah.Sunan Abe Dawud at ito ay pananalita niya.At si Imam Al-Bukharie ay tulad din nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tinanong ng isang lalaki ang Propeta-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasa Minbar [Tinatayuan ng Imam sa kapag nagsesermon],Ano ang masasabi mo sa Dasal na Witr? Nagsabi siya: (( Dalawa,dalawa,at kapag nangamba siya na [madatnan ng ] Dasal na Subh,magdasal siya ng isang tindig,at nakapagdasal na siya ng Witr sa anumang naidasal niya))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang dasal na Witr ay tunay,Sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang pitong (tindig),at sinuman ang magnais,at magdasal ng Witr nang limang tindig,at sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang tatlong tindig at sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang isang tindig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Buwan ng Ramadhan ng walong Tindig at [dasal] na Witr,At nang dumating ang sumunod nito,nagtipon kami sa Masjid at hiniling namin na lumabas siya sa amin,ngunit hindi siya dumating sa Masjid hanggang sa inumagahan kami
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At ayon kay Abdullah bin Am`r bin Al-A`s-malugod si Allah sa kanilang dalawa-nagsabi siya: Nagsabia sa akin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( O Alipin ni Allah, huwag kang maging tulad ni pulano,dati ay tumitindig(nagdadasal) sa gabi,Hanggang sa iniwan na niya ang pagtindig(pagdasal) sa gabi.)) Saheh ni Imam Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Ali malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( O mga Taong Qur-an,Magdasal kayo ng Witr,Sapagkat si Allah ay Witr,Naiibigan niya ang Witr)) Sunan Abe Dawud
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang dalawang beses na pagdarasal ng Witr sa isang gabi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang makatulog sa Dasal nito na Witr o nakalimot siya nito,magdasal siya nito kapag naalala niya ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:(( Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay tunay na iniiwan niya ang gawain,at siya ay nasisiyahan na gawin ito,dahil sa takot niya na gawin ito ng mga Tao,gagawin nila itong obligado sa kanila,at hindi nagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa dasal na Duha (na palagian) kailanman,at tunay na ako ay nagdadasal rito)) Saheh Imam Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Zaid bin Arqam:Katotohanan nakita niya ang mga tao na nagdarasal ng Duha`,at sinabi niya:Hindi ba nila napag-alaman na ang pagdarasal maliban sa oras na ito ay mas-mainam?Katotohanan ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi:Ang dasal ng mga nagsisisi ay [isinasagawa] kapag naiinitan ang mga kamelyong inawat sa pagsuso.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah! Gawin Mong sa puso ko ay may liwanag at sa paningin ko ay may liwanag,at sa pandinig ko ay may liwanag,at sa bandang kanan ko ay may liwanag,at sa bandang kaliwa ko ay may liwanag,at sa itaas ko ay may liwanag,at sa ilalim ko ay may liwanag,at sa harapan ko ay may liwanag,at sa likod ko ay may liwanag,At gawin Mo sa akin ang liwanag
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sa pagitan ng bawat dalawang adhān ay may ṣalāh. Sa pagitan ng bawat dalawang adhān ay may ṣalāh." Pagkatapos nagsabi siya sa ikalawang pagkakataon: "Para sa sinumang nagnais."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Natulog ako sa tiyahin kong si Maymūnah, Tumayo ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang magdasal sa [Hating] gabi. Tumayo ako sa bandang kaliwa niya,Kinuha niya ang ulo ko at pinatayo niya ako sa bandang kanan niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag natapos ang Nagtatawag ng Āzān sa unang beses mula sa dasal ng Fajr,titindig siya,at yuyuko sa dalawang tindig na magaan bago ang dasal ng Fajr,pagkatapos na maging hayag (tiyak) ang dasal ng Fajr,pagkatapos ay hihiga siya banda nitong kanan,hanggang sa dumating sa kanya ang nagtatawag ng Azan upang itindig ang dasal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah,nagsabi siya,Sinabi ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( Kapag nagdasal ang isa sa inyo ng dalawang tindig(raka-ah) bago sumapit ang madaling araw,ay humiga ito sa bandang kanan niya)) Nagsabi sa kanya si Marwan bin Al-Hakam:"Hindi ba ginagantimpalaan ang isa sa amin sa paglalakad niya sa masjid hanggan`t sa humiga siya sa bandang kanan nito?"Nagsabi si Abdullah sa Hadith nito:nagsabi siya: Hindi,Nagsabi siya:At naiparating ito kay Ibn Umar,at nagsbi siya:Nagparami si Abe Hurayrah sa kanyang sarili,Nagsabi siya: At sinabi kay Ibni Umar:Ikaw ba ay tumatanggi sa mga ilan sa sinasabi niya?Nagsabi siya: Hindi,ngunit siya ay naghihikayat,at naduwag tayo)),Nagsabi siya:At naiparating ito kay Abe Hurayrah,at nagsabi siya:(( At ano ang kasalanan ko,kung ito ay naisa-ulo ko at nakalimutan nila)) Sunan Abe Dawud
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang dasal na Witr ay hindi obligado na tulad ng pagsasagawa sa mga Dasal na Obligado,Nguit ito ay Sunnah na ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan si Allah Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan ay nagdagdag sa inyo ng Pagdarasal,magdasal kayo rito sa pagitan ng dasal ng 'Eishah hanggang sa dasal ng Subh,ang Dasal na Witr,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Saed Al-Khudrie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:(( Sinuman ang abutan ng Subh at hindi nakapagdasal ng Witr,ay walang (gantimpala ng dasal na) Witr para sa kanya.)) Saheh ni Ibn Khuzaymah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay 'Aishah malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya: ( Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagdadasal ng Duhā nang apat na tindig,at nagdadag-dag siya sa kapahintulutan ni Allah,Saheh Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Abdullah bin Shaqeq,nagsabi siya: Sinabi ko kay `Aishah:Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ba ay nagdadasal ng Duha?(( Hindi,maliban kapag dumating siya mula sa kanyang paglalakbay)) Saheh Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu