عن عائشة رضي الله عنها قالت: «من كلِّ الليل أَوْتَرَ رسول الله صلى الله عليه وسلم : من أول الليل، وأوسطه، وآخره، وانتهى وِتْرُهُ إلى السَّحَرِ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya,siya ay nagsabi:(( Sa bawat gabi ay nagdadasal ng Witr ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: mula sa unang gabi,at kalagitnaan nito at huli nito,at natatapos ang pagdadasal niya ng Witr sa huling bahagi ng gabi.))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinapahayg ni `Aishah,ina ng mga mananampalataya,malugod si Allah sa kanya-ang oras na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdarasal ng Witr dito sa gabi,at tunay na siya ay hindi nagtatalaga ng oras liban sa iba,Sa bawat mga oras ng gabi ay nagdadasal siya ng Witr,Minsan ay sa unang (bahagi nito) sa oras na nagdadasal siya ng Eishah at sa anumang naisin ni Allah pagkatapos nito,at minsan ay sa kalagitnaan nito pagkalipas ng unang ikatlong bahagi,at minsan ay sa panghuli nito pagkalipas ng dalawang ikatlong bahagi hanggang sa pagsapit ng huling oras ng gabi.