عن زيد بن ثابت رضي الله عنه أَنَّ النَّبِيَّ -صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ- اتَّخَذَ حُجْرَةً فِي المَسْجِدِ مِنْ حَصِيرٍ، فَصَلَّى رَسُولُ اللَّهِ -صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ- فِيهَا لَيَالِيَ حَتَّى اجْتَمَعَ إِلَيْهِ نَاسٌ، ثُمَّ فَقَدُوا صَوْتَهُ لَيْلَةً، فَظَنُّوا أَنَّهُ قَدْ نَامَ، فَجَعَلَ بَعْضُهُمْ يَتَنَحْنَحُ؛ لِيَخْرُجَ إِلَيْهِمْ، فَقَالَ: «مَا زَالَ بِكُمُ الَّذِي رَأَيْتُ مِنْ صَنِيعِكُمْ، حَتَّى خَشِيتُ أَنْ يُكْتَبَ عَلَيْكُمْ، وَلَوْ كُتِبَ عَلَيْكُمْ مَا قُمْتُمْ بِهِ، فَصَلُّوا أَيُّهَا النَّاسُ فِي بُيُوتِكُمْ، فَإِنَّ أَفْضَلَ صَلاَةِ المَرْءِ فِي بَيْتِهِ إِلَّا الصَّلاَةَ المَكْتُوبةَ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Zaid Bin Thabit, malugod si Allah sa kanya.na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay gumawa ng kuwarto sa loob ng Masjid mula sa banig,Nagdasal ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan rito ng ilang gabi hanggang sa nagtipon ang mga tao sa kanya,Pagkatapos ay nawala sa kanila ang boses niya sa isang gabi,inakala nila na siya ay nakatulog,Kaya`t ang bawat isa sa kanila ay nagpalabas ng boses upang lumabas siya sa kanila,Nagsabi siya:((Nanatili parin sa inyo ang anumang nakita ko mula sa ginawa ninyo,Hanggang sa natakot ako na itoy maging obligado sa inyo,at kapag ito`y naging obligado sa inyo,ay hindi ninyo ito gagampanan,Kaya magdasal kayo o mga Tao sa mga bahay ninyo,dahil ang pinakamainam na dasal ng tao ay sa bahay niya maliban sa dasal na Obligado))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinapahayag sa Marangal na Hadith na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay gumawa ng silid sa isa sa mga anggulo ng Masjid mula sa banig,at ang nakikita rito;siya ay nagsasagawa ng `Itikaf,at nagtitindig siya ng dasal rito,narinig siya ng mga tao,dumating sila at ginawa nila itong Imam hanggang sa pagkalipas ng ilang gabi,hindi na nila narinig ang boses niya,inakala nila na nakatulog siya,at nagpalabas sila ng ilang mga boses upang magising siya,Lumabas siya sa kanila-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-at ipinahayag niya sa kanila na siya ay hindi nakatulog ngunit natakot siya na maging obligado sa kanila ang pagtindig sa dasal na gabi,at ipinahayag niya sa kanila na kapag ito ay naging obligado,hindi nila ito kayang gampanan,tulad ng pagpahayg niya sa kanila na ang pinakamainam na dasal na kusang-loob para sa kanila ay sa bahay nila