عن ابن عمر رضي الله عنهما قال: سَأل رَجُل النبي -صلَّى الله عليه وسلم- وهو على المِنْبَر، ما تَرى في صلاة الليل؟ قال: « مَثْنَى مَثْنَى، فإذا خَشْيَ الصُّبح صلَّى واحِدَة، فأَوْتَرت له ما صلَّى» وإنَّه كان يقول: اجْعَلُوا آخِر صَلاَتِكُمْ وتْرَا، فإنَّ النبِيَّ -صلَّى الله عليه وسلَّم- أمَر بِه.
وفي رواية: فقيل لابن عمر: ما مَثْنَى مَثْنَى؟ قال: «أن تُسَلِّم في كل ركعتين».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: Tinanong ng isang lalaki ang Propeta-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasa Minbar [Tinatayuan ng Imam sa kapag nagsesermon],Ano ang masasabi mo sa Dasal na Witr? Nagsabi siya: (( Dalawa,dalawa,at kapag nangamba siya na [madatnan ng ] Dasal na Subh,magdasal siya ng isang tindig,at nakapagdasal na siya ng Witr sa anumang naidasal niya)) At katotohanang siya ay nagsasabi:Gawin ninyong ang magiging huling dasal ninyo sa gabi ay ang dasal na Witr,Sapagkat ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinag-utos niya ito.At sa isang salaysay:Sinabi kay Ibn `Umar: Ano ang dalawa,dalawa? Nagsabi siya: ((Ito ay ang pagsasagawa mo ng Taslem sa bawat dalawang tindig))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang kahulugan ng Hadith:"Tinanong ng isang lalaki ang Propeta-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasa Minbar [Tinatayuan ng Imam sa kapag nagsesermon],Ano ang masasabi mo sa Dasal na Witr?" Ibig sabihin ay: Ano ang panuntuntunan nito sa Batas ng Islam,[sa kaalamang] ipinaalam sa iyo ng Allah,mula sa bilang ng tindig ng dasal na Gabi,at ang pagpapahiwalay rito o pagpapadugtong. At sa isang salaysay sa Sahehayn:( Papaano iganap ang dasal na gabi)Nagsabi siya: "dalawa,dalawa," ibig sabihin ay; dalawa,dalawa,at ang kahalagahan ng pag-uulit;ay paglalabis sa pagsisiguro.at ang kahulugan nito ay:Ang ipinag-uutos sa pagganap ng dasal na gabi ay ang pagsasagawa ng Taslem sa bawat dalawang tindig,Tulad ng pagbibigay kahulugan rito ni Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanya-ngunit hindi kasama mula doon ang dasal na Witr,Kapag nagsagawa siya ng Witr na pito o lima o tatlong [tindig],nararapat sa kanya na [gampanan ito nang dalawahang tindig] pagkatapos ay magsagawa ng Taslem sa huling tindig."at kapag nangamba siya na [madatnan ng ] Dasal na Subh,magdasal siya ng isang tindig," ibig sabihin ay: natakot na sikatan ng bukang-liwayway,magmadali ito sa pagsagawa ng isang tindig [na dasal],ibig sabihin ay magdasal ng isang tindig na may Tashahhud at Taslem."at nakapagdasal na siya ng Witr sa anumang naidasal niya" ibig sabihin: dahil sa isang tindig na naidagdag sa dalawang [tindig na dasal] ay naging ang dasal niya ay Witr."At katotohanang siya ay nagsasabi:" ibig sabihin ; Na ang nagsalaysay ng Hadith, na si Nafi:Ay nagsabi na si Ibn `Umar malugod si Allah sa kanya ay nagsasabi:Gawin ninyong ang magiging huling dasal ninyo sa gabi ay ang dasal na Witr," at ang kahulugan: Gawin ninyo na ang pinakahuling dasal ninyo na Tahajjud sa gabi ay ang dasal ng Witr.Pagkatapos ay ipinahayag ni Ibn Umar malugod si Allah sa kanya na ang sinasabi niya:"Gawin ninyong ang magiging huling dasal ninyo sa gabi ay ang dasal na Witr"na ito ay [pagpapahayag na mula sa Propeta] at hindi nagmula sa sarili niyang kuro-kuro-malugod si Allah sa kanya;Dahil sa pagsabi niya:"Sapagkat ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinag-utos niya ito" ibig sabihin ay: Ipinag-utos niya; na gawin nating ang dasal na Witr ang pinakahuli sa dasal na gabi,Tulad nang; kung ang dasal na Maghrib ay Witr ng mga dasal sa Araw at ang pinakahuli nito,Gayundin ang dasal na Witr para sa dasal na Gabi,At sa isang salaysay;sinabi kay Ibn Umar: Ano ang dalawa,dalawa?" Ibig sabihin ay:Ano ang ibig sabihin ng sinabi niya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na dalawa,dalawa?" Kaya`t ipinahayag ni Ibn Umar ang ipinapahiwatig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Sa sinabi niya:"Ito ay ang pagsasagawa mo ng Taslem sa bawat dalawang tindig" Ibig sabihin ay:Magdasal ka ng dalawang tindig,pagkatapos ay magsagawa ka ng Taslem pagkatapos ay Magdasal ka ng dalawang tindig,pagkatapos ay magsagawa ka ng Taslem.Na walang naidadagdag rito.