+ -

عن ابن عباس رضي الله عنهما قال: بِتُّ عند ميمونة، فقام النبي صلى الله عليه وسلم فأتى حاجَتَه، فغسل وجهه ويديه، ثم نام، ثم قام، فأَتى القِرْبَة فأطلق شِنَاقَهَا، ثم توضأ وضوءا بين وضوءين لم يُكْثِرْ وقد أبلغ، فصلى، فقمت فَتَمَطَّيْتُ؛ كراهية أن يرى أني كنت أَتَّقِيهِ، فتوضأت، فقام يصلي، فقمت عن يساره، فأخذ بِأُذُنِي فَأَدَارَنِي عن يمينه، فَتَتَامَّت صلاته ثلاث عشرة ركعة، ثم اضطجع فنام حتى نَفَخ، وكان إذا نام نَفَخ، فَآذَنَهُ بلال بالصلاة، فصلَّى ولم يتوضأ، وكان يقول في دعائه: «اللهم اجعل في قلبي نورا، وفي بَصري نورا، وفي سمعي نورا، وعن يميني نورا، وعن يساري نورا، وفَوْقِي نورا، وتحتي نورا، وأمامي نورا، وخلفي نورا، واجعل لي نورا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay bn Abbas malugod si Allah sa kanilang dalawa,Nagsabi siya:Natulog ako kay Maymunah,Tumayo ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at ginawa niya ang mga pangangailangan niya, hinugasan niya ang mukha niya at dalawang kamay niya,pagkatapos ay natulog siya,pagkatapos ay bumangon siya,kumuha siya lalagyan [ng tubig] at kinalas niya ang sinulid nito,pagkatapos ay nagsagawa siya ng Wudhu sa pagitan ng dalawang wudhu,hindi siya nagparami ngunit ito ay ganap,nagdasal siya at bumangon ako at humiga ako [ulit],bilang pagkamunghi na makita niyang ako ay sumusubaybay sa kanya,Nagsagawa ako ng wudhu,Tumayo siya upang magdarasal,at tumindig ako sa kaliwa niya,kinuha niya ang tainga ko at hinila niya sa banda niyang kanan,Naging ganap ang pagdarasal niya ng labin tatlong tindig,pagkatapos ay humiga siya at natulog hanggang sa nakahilik,Ipinaalam ni Bilal sa kanya ang pagdarasal at nagdasal siya na hindi nagsagawa ng Wudhu at sinasabi niya sa pananalangin niya:(( O Allah! Gawin Mong sa puso ko ay may liwanag at sa paningin ko ay may liwanag,at sa pandinig ko ay may liwanag,at sa bandang kanan ko ay may liwanag,at sa bandang kaliwa ko ay may liwanag,at sa itaas ko ay may liwanag,at sa ilalim ko ay may liwanag,at sa harapan ko ay may liwanag,at sa likod ko ay may liwanag,At gawin Mo sa akin ang liwanag))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ipinapaalam ni Ibn Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-sa Hadith na ito na siya ay natulog sa tiyahin niya na si Maymunah,Asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nalugod siya sa kanya-"Ginawa niya ang mga pangangailangan niya" Ibig sabihin ay;Ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga kailangan niya mula sa pag-ihi at pagdudumi,"Hinugasan niya ang mukha niya at dalawang kamay niya,pagkatapos ay natulog siya,"Pagkatapos niyang gawin ang pangangailangan niya-pagpalain siya ni Allah pangalagaan-Hinugasan niya ang mukha niya,upang maging masigla at ang dalawang kamay niya upang maging malinis,",pagkatapos ay bumangon siya,kumuha siya lalagyan [ng tubig] at kinalas niya ang sinulid nito" ibig sabihin ay pagkatapos gumising ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa pagtulog niya,kinuha niya ang lalagyan [ng tubig] at kinalas niya ang sinulid na nakahigpit sa bunganga nitong ini-inuman,upang mapangalagaan ang nasa loob nitong tubig at iba pang tulad nito," Pagkatapos ay nagsagawa siya ng Wudhu" Wudhu sa pagdarasal" Pagsasagawa ng Wudhu sa pagitan ng dalawang Wudhu" ibig sabihin ay: Nagsagawa ng Wudhu ng walang sunod-sunod at hindi ganap,ito ay sa pagitan ng dalawang bagay,kaya`t sinabi na:" Hindi nagparami"Ibig sabihin ay:Sapat na sa kanya na higit na maliit sa bilang na tatlong beses,at ito ay ipinapahintulot.at ang Sunnah ay pagganap ng tatlong beses,"at ito ay ganap" ibig sabihin ay:Naging ganap ang pagsasagawa niya ng Wudhu,at naiparating niya ito [sa mga bahagi ng katawan] na nararapat itong paratingin,at ito ang sukat na obligado,"Nagdasal siya" Ng Gabing Dasal,Tumayo ako at humiga ako" Sinabi ni Ibn `Abbas malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na siya ang nagsusubaybay sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga gawain niya,pagkatapos ay humiga siya at ipinakita ang sumasalungat na mga bagay na nasa kanya,Nang sa gayun ay hindi maramdaman ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na siya ay binabantayan niya,kaya dito ay sinabi: "Bilang pagkamunghi na makita niyang ako ay sumusubaybay sa kanya" Ibig sabihin ay: Binabantayan ko siya at sinusubaybayan ko siya sa mga gawain niya. Kaya ito ang dahilan ng paghiga ni Ibn Abbas malugod si Allah sa kanilang dalawa-at ang paggawa niya ng paghihiga, At kaya niya ginawa iyon,dahil ang kadalasan sa Tao kapag walang kasama sa bahay niya,maaari siyang gumawa ng mga gawaing ayaw siyang makita rito ng ibang tao,o di kaya`y nangangamba siya na maiwan ang mga ilang gawain niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa pagsusubaybay sa kanya,tulad ng mga pangyayari mula sa kaugalian niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na siya ay nag-iiwan ng mga ilang gawain dahil sa takot na maging obligado ito sa kanyang Ummah,Kaya`t inibig niyang itago ang mga gawain niyang ito,upang makuha niyamula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang lahat ng malalalim ng ginagawa niya mula sa paggising niya hanggang sa dumating sa kanya ang mananawag ng Azan sa dasal na Fajr-at ito ay kabilang sa pagsusumikap niya-malugod si Allah sa kanilang dalawa-sa pagkamit ng kaalaman sa pinanggalingan nito.Nagsabi siya: "nagsagawa ako ng Wudhu" at sa isang salaysay;Nagsagawa ako ng Wudhu tulad ng isigawa niyang Wudhu" At sa salaysay ni Imam Al-Bukhari " Tumayo ako at ginawa ko ang tulad ng ginawa niya","Tumayo siya upang magdarasal,at tumindig ako sa kaliwa niya," Ibig sabihin:Na si Ibn Abbas,nang makita niya ang Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-sumali siya sa pagdarasal niya,Nagsagawa siya ng Wudhu at inabutan niya ang Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-Liban lang sa siya ay tumayo sa bandang kaliwa ng Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-" Kinuha niya ang tainga ko" ibig sabihin : Na si Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kinuha niya ang tainga niya pagkatapos ay inilipat niya sa vandang kanan,At sa isang salaysay:"Inilagay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang kamay niya sa ulo ko,at kinuha niya ang tainga kong kanan at binaluktot niya ito sa kamay niya" At inilagay niya muna ang kamay niya upang magawa niyang hawakan ang tainga,o di kaya`y dahil ito ay hindi pa nangyari maliban sa kanya,o di kaya`y upang maibaba ang mga pagpapala sa kanya upang maunawaan niya ang lahat ng gawain niya-sumakanya ang pangangalaga-sa lugar na ito at sa iba pa," at binaluktot niya" Ito ay upang bigyan niya ng babala sa pagsuway niya sa Sunnah o upang madagdagan ang pagkagising niya upang maisa-ulo ang mga agwaing ito,o upang alisi ang anumang [nararamdaman niyang] antok,o dahil ninais niyang ilipat mula sa kaliwa papunta sa kanan o pagpapa-amo nito [sa kanya],dahil sa naganap ang[pangyayaring yaon] sa dilim ng gabi,tulad ng naging hayag sa Hadith ni Ibn Abbas,sa naisalaysay ni Imam Al-Bukhari,o dahil sa gigisingin niya ito,o di kaya`y upang ipakita sa kanya ang pagmamahal niya,sapagkat ang kalagayan niya ay kadalasang nangyayari ito dahil sa liit ng gulang niya," Inikot niya ako sa bandang kanan niya" ibig sabihin ay: inikot siya mula sa bandang kaliwa patungo sa bandang kanan,na kung saan ay tinatayuan ng nag-iisang Ma`mum mula sa Imam." Ginawa niyang ganap ang pagdarasal niya" Binigyan ito ng kahulugan sa pagsabi niya:"Labintatlong tindig" ibig sabihin ay: Ang Propeta-pagalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdasal sa gabing iyon ng labintatlong tindig kasama ang mga tindig ng dasal na Witr,ay pinaghihiwalay ito sa bawat dalawang tindig,sa pagsasagawa ng Taslem,Tulad ng naisalaysay ni Imam Al-Bukhari:" Nagsasagwa siya ng Taslem sa bawat dalawang tindig" At sa salaysay ni Imam Al-Bukhari at Imam Muslim: "Pagkatapos ay nagdasal siya ng dalawang tindig,pagkatapos ay dalawang tindig,pagkatapos ay dalawang tindig,pagkatapos ay dalawang tindig,pagkatapos ay dalawang tindig,pagkatapos ay dalawang tindig,pagkatapos ay nagdasal ng Witr" Ibig sabihin ay: Nang isang tindig lamang,na nahihiwalay sa dalawang tindig;Dahil kapag nagdasal siya ng dalawa-dalawang beses magiging anim na beses na may kasamang pagpapahiwalay sa bawat pagitan ng dalawang tindig,ang maggiging kabuuan nito ay labindalawang tindig,hindi kasama ang isang ting tindig ng Witr, At ang kabuuan ng pagdarasal niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay labintatlong tindig,Wala ng natira sa dasal na Witr liban sa isang tindig lamang."Pagkatapos ay humiga siya at natulog hanggang sa nakahilik" Ibig sabhin : siya ay humihinga na may tunog hanggang sa naririnig mula sa kanya ang tunog ng umiihip," At siya kapag nakatulog ay humihilik,Ipinaalam ni Bilal sa kanya ang pagdarasal" Ipinaalam niya sa kanya ang dasal na Subh, "Nagdasal siya" Ng Kusang-loob na dasal sa Fajr sa una,pagkataos ay lumabas siya sa Masjid at nagdasal siya ng Subh na Jama`ah," At hindi siya nagsagawa ng Wudhu" Ngunit naging sapat na sa kanya ang una niyang Wudhu,At ito ay kabilang sa mga gawaing nararapat lamang sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Na ang pagtulog niya ay hindi nakakapag-pawalang bisa ng Wudhu,dahil ang mga mata niya ay natutulog ngunit hindi natutulog ang puso niya,kayat kung may lumabas man na marumi,ay mararamdaman niya ito,at hindi ito katulad ng ibang tao.Kung kaya`y nang sabihin ni `Aishah malugod si Allah sa kanya- Natutulog kaba bago ka magsagawa ng dasal na Witr? Ang sabi niya:(( O `Aishah tunay na ang dalawang mata ko ay natutulog at hindi natutulog ang puso ko) At sinasabi niya sa pananalangin niya:"ibig sabihin sa kabuuan ng mga panalangin niya sa gabing yaon ay ang pananalanging ito:" O Allah! Gawin Mong sa puso ko ay may liwanag at sa paningin ko ay may liwanag,at sa pandinig ko ay may liwanag,at sa bandang kanan ko ay may liwanag,at sa bandang kaliwa ko ay may liwanag,at sa itaas ko ay may liwanag,at sa ilalim ko ay may liwanag,at sa harapan ko ay may liwanag,at sa likod ko ay may liwanag,At gawin Mo sa akin ang liwanag" Hiniling niya ang Liwanag sa mga bahagi ng katawan niya at sa mga lugar niya,at ang ibig sabihin nito ay pagpapahayag ng katotohanan at pagliwanag nito at ang patnubay sa kanya,kaya hiniling niya ang ;iawanag sa lahat ng bahagi niya at katawan niya at sa mga galaw niya at sa mga pagbaliktad niya at sa mga kalagayan niya at ang kabuuan nito sa mga anim na lupalop upang walang lumihis na kahit na anong bagay mula sa kanya

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin