عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«خَيْرُ صُفُوفِ الرِّجَالِ أَوَّلُهَا، وَشَرُّهَا آخِرُهَا، وَخَيْرُ صُفُوفِ النِّسَاءِ آخِرُهَا، وَشَرُّهَا أَوَّلُهَا».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 440]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki ay ang kauna-unahan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kahuli-hulihan sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang kahuli-hulihan sa mga ito at ang pinakamasama sa mga ito ay ang kauna-unahan sa mga ito."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 440]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga lalaki sa ṣalāh at ang pinakamarami sa mga ito sa gantimpala at kalamangan ay ang kauna-unahan sa mga ito dahil sa kalapitan nila sa imām, pakikinig nila sa pagbigkas nito, at kalayuan nila sa mga babae. Ang pinakamasama sa mga ito, ang pinakakaunti sa mga ito sa gantimpala at kalamangan, at ang pinakamalayo sa mga ito sa hinihiling ng Kapahayagan ay ang kahuli-hulihan sa mga ito. Ang pinakamabuti sa mga hilera ng mga babae ay ang kahuli-hulihan sa mga ito dahil ito ay higit na mapagtakip sa kanila at higit na malayo sa pakikihalubilo sa mga lalaki, pagkakita sa kanila, at tukso sa kanila. Ang pinakamasama sa mga ito ay ang kauna-unahan sa mga ito dahil sa kalapitan ng mga ito sa mga lalaki at pagkasalang sa tukso.