+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال:
أَتَى النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ رَجُلٌ أَعْمَى، فَقَالَ: يَا رَسُولَ اللهِ، إِنَّهُ لَيْسَ لِي قَائِدٌ يَقُودُنِي إِلَى الْمَسْجِدِ، فَسَأَلَ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَنْ يُرَخِّصَ لَهُ فَيُصَلِّيَ فِي بَيْتِهِ، فَرَخَّصَ لَهُ، فَلَمَّا وَلَّى دَعَاهُ، فَقَالَ: «هَلْ تَسْمَعُ النِّدَاءَ بِالصَّلَاةِ؟» فَقَالَ: نَعَمْ، قَالَ: «فَأَجِبْ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 653]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking bulag saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na wala akong isang tagaakay na aakay sa akin patungo sa masjid." Kaya humiling ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magpahintulot siya rito para magdasal ito sa bahay nito. Kaya nagpahintulot siya rito ngunit noong nakalisan ito ay tinawag niya ito saka nagsabi siya: "Naririnig mo ba ang panawagan sa pagdarasal?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tugunin mo."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 653]

Ang pagpapaliwanag

May pumuntang isang lalaking bulag sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, wala sa akin ang sinumang makaaalalay sa akin at hahawak sa kamay ko patungo sa masjid sa limang pagdarasal." Nagnanais ito na magpahintulot dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-iwan sa konggregasyon. Nagpahintulot naman siya rito ngunit noong tumalikod ito ay nanawagan siya rito saka nagsabi siya: "Naririnig mo ba ang adhān ng ṣalāh?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tugunin mo ang tagapanawagan sa ṣalāh."}

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkakinakailangan ng ṣalāh sa kongregasyon dahil ang pahintulot ay hindi nagiging ukol kundi dahil sa isang bagay na tungkulin at kinakailangan.
  2. Ang sabi niya na: "Kaya tugunin mo" sa sinumang nakaririnig ng panawagan ay nagpapatunay sa pagkakinakailangan ng ṣalāh sa konggregasyon dahil ang pangunahing panuntunan sa pag-uutos ay para sa pagkakinakailangan.