عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَنْ غَدَا إِلَى الْمَسْجِدِ أَوْ رَاحَ أَعَدَّ اللهُ لَهُ فِي الْجَنَّةِ نُزُلًا، كُلَّمَا غَدَا أَوْ رَاحَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 669]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang pumunta sa umaga sa masjid o pumunta sa gabi, maghahanda si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng isang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya sa gabi."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 669]
Nagbalita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nakagagalak sa sinumang pumupunta sa masjid para sa pagsamba o kaalaman o para sa iba pa roon kabilang sa mga pagpapakay ng kabutihan sa alinmang oras: sa simula ng maghapon o sa wakas nito, na si Allāh ay naglaan nga para sa kanya ng isang lugar at isang pagpapanauhin sa Paraiso sa tuwing dumarating siya sa masjid sa isang gabi o isang maghapon.