عن جُندب بن عبد الله القَسْرِِي رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«مَنْ صَلَّى صَلَاةَ الصُّبْحِ فَهُوَ فِي ذِمَّةِ اللهِ، فَلَا يَطْلُبَنَّكُمُ اللهُ مِنْ ذِمَّتِهِ بِشَيْءٍ، فَإِنَّهُ مَنْ يَطْلُبْهُ مِنْ ذِمَّتِهِ بِشَيْءٍ يُدْرِكْهُ، ثُمَّ يَكُبَّهُ عَلَى وَجْهِهِ فِي نَارِ جَهَنَّمَ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 657]
المزيــد ...
Ayon kay Jundub bin `Abdillāh Al-Qasrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nagdasal ng dasal sa madaling-araw, siya ay nasa pangangalaga ni Allāh. Kaya huwag ngang magpapanagot sa inyo si Allāh ng anuman dahil sa pangangalaga Niya sapagkat tunay na ang sinumang pinanagot Niya ng anuman dahil sa pangangalaga Niya ay makaabot Siya rito, pagkatapos magsusubsob Siya rito ng mukha nito sa apoy ng Impiyerno."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 657]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagdasal sa madaling-araw (fajr), siya ay nasa pag-iingat ni Allāh, pagbabantay Nito, at pangangalaga Nito. Magtatanggol si Allāh sa kanya at mag-aadya sa kanya.
Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) laban sa pagsira sa kasunduang ito at pagpapawalang-saysay rito sa pamamagitan ng pagwaksi sa ṣalāh sa madaling-araw o ng pagharang sa magdarasal nito at ng pangangaway rito. Tunay na ang sinumang gumawa niyon, sumira nga siya sa pangangalagang ito at naging karapat-dapat nga siya sa matinding banta sa pamamagitan ng pagpapanagot ni Allāh sa kanya dahil sa pagpapabaya niya sa karapatan Nito. Ang sinumang pananagutin ni Allāh ay makaaabot Siya rito, pagkatapos magtatapon Siya rito pasubsob ng mukha nito sa Impiyerno.