وعن جابر رضي الله عنه قال: سُئِل رسول الله صلى الله عليه وسلم أي الصلاة أفضل؟ قال: «طُول القُنُوتِ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Tinanong ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kung aling pagdarasal ang pinakamainam? Nagsabi siya: Ang matagal ang pagtayo."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Nagtanong ang mga kasamahan ng Propeta, ang pagkalugod ni Allah ay sumakanila, sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Aling pagdarasal ang pinakamainam? Ang tanong na ito ay dahil sa kasigasigan nila sa pagtamo ng higit na maraming bilang ng mga magandang gawain. Ang ibig sabihin nito: Alin sa mga uri ng mga dasal ang pinakamainam? O Alin sa mga gawain sa dasal ang pinakamainam? Ang pagtayo o ang pagyukod o ang pagpapatirapa? Ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ito ay ang matagal ang pagtayo sa pagsasagaw niyo.