+ -

عن البراء رضي الله عنه قال: أتَى النبي صلى الله عليه وسلم رَجُلٌ مُقَنَّعٌ بالحَديد، فقال: يا رسول الله، أُقَاتِلُ أَوْ أُسْلِمُ؟ قال: «أَسْلِم، ثم قَاتل»، فأسْلَم ثم قاتل فَقُتِل. فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «عَمِل قليلاً وأُجر كثيراً».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Al-Barā`, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Pinuntahan ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang lalaking nakamaskara ng bakal at nagsabi: "O Sugo ni Allah, makikipaglaban po ako o yayakap sa Islam?" Nagsabi siya: "Yumakap ka sa Islam, pagkatapos ay makipaglaban ka." Kaya yumakap siya sa Islam. Pagkatapos ay nakipaglaban siya at napatay kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Gumawa siya ng kaunti at binayaran siya ng marami."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

May pumuntang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagnanais na makibaka kasama niya. Ito ay nakasuot ng bakal na bumalot dito samantalang hindi pa ito nakayakap sa Islam at nagsabi: "O Sugo ni Allah, makikibaka ako, pagkatapos ay yayakap ako sa Islam; o yayakap ako sa Islam, pagkatapos ay makikibaka ako?" Nagsabi siya rito: "Yumakap ka sa Islam, pagkatapos ay makibaka ka." Yumakap sa Islam ang lalaki, pagkatapos ay nakibaka. Nakipaglaban siya hanggang sa napatay. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Gumawa siya ng kaunti at binayaran siya ng marami." Nangangahulugan ito na kaugnay sa panahon ng pagyakap niya sa Islam, ang yugto sa pagitan ng pagyakap niya sa Islam at ng pagkapatay sa kanya ay maikling yugto. Sa kabila niyon, may malaking kabayaran dahil ang pakikibaka sa landas ni Allah, pagkataas-taas Niya, para itaas ang salita Niya ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain at pinakadakila sa mga ito sa gantimpala.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish
Paglalahad ng mga salin