عن ابن مسعود رضي الله عنه قال: قال لي النبي صلى الله عليه وسلم : «اقرأ عليَّ القرآنَ»، فقلت: يا رسول الله، أقرأ عليك، وعليك أُنزل؟! قال: «إني أحب أن أسمعه من غيري» فقرأتُ عليه سورةَ النساءِ، حتى جِئْتُ إلى هذه الآية: {فَكَيْفَ إِذَا جِئْنَا مِنْ كُلِّ أُمَّةٍ بِشَهِيدٍ وَجِئْنَا بِكَ عَلَى هَؤُلاَءِ شَهِيدًا} قال: «حَسْبُكَ الآنَ» فالتفتُّ إليه، فإذا عَيْنَاهُ تَذْرِفَانِ.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Ibn Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya-Nagsabi siya:Nagsabi sa akin ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;Basahin mo sa akin ang Qur-an, Nagsabi ako:Babasahin ko sa iyo gayun ito sa iyo ay ibinaba?! Nagsabi siya: Tunay na ibig ko itong marinig mula sa iba,kaya`t binasa ko sa kanya ang Kabanata ng An-Nisa,hanggang sa dumating ako talatang ito:{ Paano na ang sangkatauhan [sa araw ng paghuhukom] kung Kami ay magpadala mula sa bawat pamayanan [ bansa] ng isang saksi [ang propetang ipinadala sa kanila] at ikaw [ O Muhammad] ay ipadala Namin bilang isang saksi sa lahat ng bansa} Nagsabi siya: Sapat na para sa ngayon,Lumingon ako sa kanya kang-kaya`t ang dalawang mata niya ay lumuluha.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nakiusap ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Ibn Mas-ud malugod si Allah sa kanya na basahin niya sa kanya ang Qur-an,Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,Papaano ko babasahin ito sa iyo,kung sa iyo naman ito ipinadala?Ikaw ay higit na maalam rito sa akin,Nagsabi ang siya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- Tunay na iniibig kong marinig ito mula sa iba.Binasa niya sa kanya ang kabanata ng An-Nisa,at ng umabot siya sa dakilang talatang na ito:{ Paano na ang sangkatauhan [sa araw ng paghuhukom] kung Kami ay magpadala mula sa bawat pamayanan [ bansa] ng isang saksi [ang propetang ipinadala sa kanila] at ikaw [ O Muhammad] ay ipadala Namin bilang isang saksi sa lahat ng bansa}[ An-Nisa:14] Ibig sabihin : ano ang magiging kalagayan mo?! At ano ang magiging kalagayan nila?! Nagsabi ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sapat na para sa ngayon,ibig sabihin ay;tumigil kana sa pagbabasa.Nagsabi si Ibn Mas-ud:Lumingon ako sa kanya kang-kaya`t ang dalawang mata niya ay dumadaloy ang luha nito,bilang habag sa kanyang Ummah.