عَنِ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّمَا مَثَلُ صَاحِبِ القُرْآنِ كَمَثَلِ صَاحِبِ الإِبِلِ المُعَقَّلَةِ، إِنْ عَاهَدَ عَلَيْهَا أَمْسَكَهَا، وَإِنْ أَطْلَقَهَا ذَهَبَتْ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5031]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang paghahalintulad lamang sa kasamahan ng Qur'ān ay katulad ng kasamahan ng mga kamelyong nakabigkis. Kung nagmalasakit siya sa mga ito, pipigil siya sa mga ito. Kung nagpawala siya sa mga ito, aalis ang mga ito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5031]
Nagwangis ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sinumang nag-aral ng Qur'ān at nawili sa pagbigkas nito – maging sa pagtingin sa Muṣḥaf o buhat sa memorya – sa kasamahan ng mga kamelyong nakabigkis sa lubid na ipinanggapos sa tuhod ng kamelyo. Kung nagmalasakit siya sa mga ito, magpapatuloy ang pagkapigil niya sa mga ito. Kung nagpawala siya sa pagkagapos sa mga ito, aalis ang mga ito at pupuslit. Kapag nag-aruga ang kasamahan ng Qur'ān kaya bumasa siya nito, makaaalaala siya nito. Kapag hindi siya nag-aruga rito, makalilimot siya nito. Kaya hanggat hindi natigil ang pagmamalasakit sa pagiging nariyan, ang pagkasaulo ay nariyan.