عن أنسٍ رضي الله عنه : أنّهُ مَرَّ على صِبْيَانِ، فَسَلَّمَ عليهم، وقالَ: كانَ النبيُّ صلى الله عليه وسلم يَفعلُهُ.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, siya ay napadaan sa mga bata kaya bumati siya sa kanila at nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay gumagawa niyon noon."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nasaad sa ḥadīth ang paghihimok sa pagpapakumbaba, ang pagkakaloob ng pagbati sa lahat ng mga tao, at ang paglilinaw sa pagpapakumbaba ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nasaad na siya noon ay bumabati sa mga bata kapag naparaan siya sa kanila. Tumulad sa kanya ang mga kasamahan niya, malugod si Allah sa kanila. Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Na siya noon ay napaparaan sa mga bata at bumabati siya sa kanila. Napaparaan siya sa kanila sa palengke na naglalaro at bumabati siya sa kanila." Sinasabi pa ni Anas: "Tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay gumagawa noon niyon." Nangangahulugan ito na bumabati siya sa mga bata kapag naparaan siya sa kanila. Ito ay bahagi ng pagpapakumbaba at kagandahan ng asal, at bahagi ng edukasyon at kagandahan ng pagtuturo, paggagabay, at pag-aakay dahil ang mga bata, kapag bumabati ang mga tao sa kanila, tunay na sila ay masasanay roon at iyon ay magiging gaya ng kalikasan sa mga kaluluwa nila.