Talaan ng mga ḥadīth

Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagdalo sa libing, ang pagtugon sa paanyaya, at ang pagsambit ng tashmīt sa bumahin."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakaaalam ba kayo kung ano ang panlilibak?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "[Ito] ang pagbanggit mo ng kapatid mo hinggil sa anumang kasusuklaman niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ipinahihintulot sa isang tao na umiwas sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong gabi. Nagsasalubong silang dalawa saka tatalikod ito at tatalikod iyan. Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay ang nagpapasimula ng pagbati."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi tumatanggi sa pabango.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allāh ay talagang nalulugod sa tao na kumain ito ng pagkain para magpuri sa Kanya dahil doon o uminom ito ng inumin para magpuri sa Kanya dahil doon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O bata, sumambit ka ng ngalan ni Allāh, kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo, at kumain ka mula sa nalalapit sa iyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag kumain ang isa sa inyo, kumain siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; at kapag uminom siya, uminom siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; sapagkat tunay na ang demonyo ay kumakain sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya at umiinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong magsuot ng sutla at Dībāj [damit na yari sa bakal] at huwag kayong uminom gamit ang lalagyang yari ginto at pilak,At huwag kayong kumain sa mga dulang nila, Sapagkat ito ay para sa kanila sa Mundo at ang sa inyo ay ang Kabilang buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsuot ng sutla sa Mundo ay hindi magsusuot nito sa Kabilang-buhay."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kasama ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa paglalakbay niya,bumaba ako upang tanggalin ang dalawang Khuff [medyas na yari sa balat ng hayop],Nagsabi siya: Hayaan mo silang dalawa,Sapagkat tunay na ipinasok ko silang dalawang na nasa loob ng kalinisan,Kaya nagpunas siya sa kanilang dalawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allah,maaari bang matulog ang iisa sa amin kapag siya ay sa kalagayang Junub? Nagsabi siya: Oo,Kapag nakapagsagawa ng Wudhu ang isa sa inyo ay maaari siyang matulog
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagsagawa ng Wudhu ang isa sa inyo,maglagay siya sa ilong niya ng tubig,pagkatapos ay isinga niya ito,At sinuman ang gumamit ng bato [sa paglilinis],gawin niya itong gansal.At kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog,hugasan niya ang dalawang kamay niya bago niya ito ipasok sa lalagyan [ng tubig] ,nang tatlong beses,Dahil katunayan ang isa sa inyo ay hindi niya nalalaman kung saan niya nailagay ang kamay niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag na huwag hawakan ng isa sa inyo ang ari nito sa kanang kamay niya kapag siya ay umiihi,at huwag magpunas [ng bato o papel] kapag nasa palikuran nang kanang kamay,at huwag huminga sa lalagyan ng tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nanaginip ang isa sa inyo ng panaginip na nakaiibig siya nito, tunay na ito ay mula kay Allāh. Kaya naman magpuri siya kay Allāh dahil dito at magsanaysay hinggil dito. Kapag nakakita siya ng iba roon kabilang sa kinasusuklaman niya, ito lamang ay mula sa demonyo. Kaya naman humiling siya ng pagkupkop [ni Allāh] laban sa kasamaan nito at huwag siyang bumanggit nito sa isa man sapagkat tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag kayo ay nagsuot ng damit,at kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu,magsimula kayo sa inyong kanan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May isang lalaking kumain sa piling ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, gamit ang kaliwa niya kaya nagsabi siya: "Kumain ka gamit ang kanan mo." Nagsabi ito: "Hindi ko po nakakaya." Nagsasabi siya: "Hindi mo nawa makaya!" Walang pumigil sa kanya kundi ang pagmamalaki kaya hindi niya naangat ito sa bibig niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sino itong nanunumpa sa Akin na hindi Ako magpapatawad kay Polano? Tunay na Ako ay nagpatawad na sa kanya at nagpabagsak sa gawa mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng pananalitang hindi siya nakatitiyak hinggil doon, na ikatitisod niya sa Impiyerno na higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abē Hurayrahو buhat sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:(( Kapag nakasalubong ng isa sa inyo ang kapatid niya,bumati siya sa kanya,at kapag nakaharang sa pagitan nilang dalawa ang puno o dingding o bato,pagkatapos ay nasalubong niya ito,Bumati siya rito))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mabuting panaginip ay mula kay Allāh at ang masamang panaginip ay mula sa Demonyo. Kaya kapag nanaginip ang isa sa inyo ng isang panaginip na pinangangambahan niya, dumura siya sa dakong kaliwa niya at magpakapalakupkop siya kay Allāh laban sa kasamaan nito kaya tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang kaligtasan?" Nagsabi siya: "Pigilan mo sa iyo ang dila mo, magkasya sa iyo ang bahay mo, at umiyak ka dahil sa kasalanan mo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang pinagalak na tumingin sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso ay tumingin diyan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang natira sa pagkapropeta kundi ang mga mubashshirah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay makikita niya ako sa pagkagising, o para bang nakita niya ako sa pagkagising; hindi lumilitaw ang Demonyo sa anyo ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Babati ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ipinapahintulot sa isang babaing naniniwala sa Allah at sa kabilang buhay na maglakbay sa loob ng isang araw at isang gabi na wala kasamang mahram [asawa o kamag-anak na lalaking ipinagbabawal sa kanya na maging asawa]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pananamit ng muslim ay hanggang sa kalahati ng binti, at walang pangamba -o walang problema- kung ito ay sa pagitan niya at pagitan ng dalawang bukong-bukong, sa ganon kung siya ay nakababa sa dalawang bukong-bukong siya ay mapasaimpyerno, at sino man ang kaladkarin niya ang kanyang suot bilang pag-mamataas hindi siya titingnan ng dakilang Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi kailan man kinadustaan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang anumang pagkain, kung ito'y kinagagalakan niya ay kakainin niya, at kung ito'y kinasusuklaman niya ito'y iiwan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang karapatan ng muslim sa kapatid niyang muslim ay anim:Kapag nasalubong mo siya,batiin mo,at kapag inimbitahan ka niya,ay paunlakan mo,at humingi siya ng payo ay payuan mo,at kapag siya`y bumahing at kanyang sinabi "Al hamdulillah",sabihin mong" Yarhamukallah",at kapag siya ay nagkasakit,bisitahin mo,at kapag siya ay namatay,makipaglibing ka sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagsuot ng tsinelas [o sapatos] ang isa sa inyo,simulan niya ito sa kanan,at kapag tinanggal niya ito,simulan niya ito sa kaliwa;at sikapin na ang kanan ang siyang maging una sa pagsuot at ang iba nito ay sa pagtanggal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na itinuro sa amin ni Allah kung paano kami magbigay ng pagbati sa iyo;gunit paano kami magbibigay ng Pagpaparangal sa iyo?Ang sabi niya: Sabihin ninyo: "O Allah! Ipagkaloob Mo ang Iyong Pagpaparangal kay Muhammad,at sa mga Angkan ni Muhammad,tulad ng pagkakaloob Mo ng Pagpaparangal kay Ebrahim,Katunayan sa Iyo ang lahat ng Kapurihan at Kaluwalhatian,At Pagpalain Mo si Muhammad at sa mga Angkan ni Muhammad;tulad ng Pagpapala Mo kay Ebrahim,Katunayan sa Iyo ang lahat ng Kapurihan at Kaluwalhatian.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Ang pakikipagkamay ba noon ay [kaugalian] sa mga kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" Nagsabi siya: "Oo."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang dumaan sa mga bagay mula sa aming mga Masjid,o tindahan, at sa kanya ay may palaso,hawakan niya ito o hawakan niya ang ulo ng palaso sa kamay niya,upang hindi tamaan ang isa sa mga muslim mula sa mga bagay na ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Iwasan ninyo ang pag-upo sa mga daan,Nagsabi sila:O Sugo ni Allah,Wala kaming dapat iwasan sa pag-upo namin,nag-uusap kami rito,Kapag kayo ay nagtanggi ipagkaloob ninyo ang karapatan ng daan,Nagsabi sila: Ano ang Karapatan nito?Nagsabi siya:Pagbaba sa paningin,at pagpigil sa mga nakakapinsala,at pagsagot sa pagbati,at pag-utos sa kabutihan at pagbabawal sa kasamaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapighatian sa nagsasalita at nagsisinungaling upang matawa ang mga tao! Kapighatian sa kanya, pagkatapos ay kapighatian sa kanya!
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang inalok ng balanoy ay huwag tanggihan ito sapagkat ito ay magaan dalahin, mabango ang amoy.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Aling Islam ang pinakamaubti? Nagsabi siya: Magpakain ka ng pagkain at bumati ka ng kapayapaan sa sinumang kilala mo at hindi mo kilala.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag lumisan ang tatlo sa isang paglalakbay ay pamunuin nila ang isa sa kanila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag pumasok siya sa sinumang binibisita niya ay nagsasabi siya;" Walang dapat ipangamba,Kalinisan sa kapahintulutan ni Allah"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May nagsabing isang lalaki: O Sugo ni Allah, ang lalaki sa amin ay nakikipagtagpo sa kapatid niya o kaibigan niya, yuyuko ba siya roon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag may dalawang Muslim na nagkasalubong at nagkamayan, patatawarin silang dalawa bago silang dalawa maghiwalay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang sinumang sumumpa saka nagsabi sa panunumpa niya: "Sumpa man kina Allāt at Al`uzzā" ay magsabi siya ng: "Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)." Ang sinumang nagsabi sa kasamahan niya: "Halika, makikipagsugal ako sa iyo" ay magkawanggawa siya.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang isang alipin, kapag siya ay sumumpa sa isang bagay,aakyat ang sumpa sa kalangitan,at masasara ang mga pintuan ng kalangitan at hindi ito makakapasok,pagkatapos ay bababa ito sa lupa,at masasara ang mga pintuan nito at hindi ito makakapasok;pagkatapos ay pupunta ito sa deriksiyong kanan at kaliwa,at kapag wala siyang natagpuan na ibang daan,babalik siya sa isinumpa,kung siya ay karapat-dapat rito;at kung hindi ay babalik siya sa nagsabi nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinuman ang lumikas sa kapatid niya sa loob ng isang taon,ito ay tulad ng pagpadanak sa dugo niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae. Hindi tatabi ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot, ni tatabi ang babae sa babae sa iisang kumot.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong iwanan ang apoy sa tahanan ninyo kapag kayo ay matutulog
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong tawagin ang nagkukunwaring mananampalataya na Ginoo sapagkat tunay na siya, kung siya ay Ginoo, ginalit nga ninyo ang Panginoon ninyo, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Muslim ay ang sinumang ligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang lumilikas ay ang sinumang umiwan ng ipinagbawal ni Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang tagapaglantad ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglantad ng kawanggawa at ang tagapaglihim ng Qur'ān ay gaya ng tagapaglihim ng kawanggawa."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumunta siya sa higaan niya bawat gabi, ay nagbubuklod ng mga kamay niya. Pagkatapos bumubuga siya sa mga ito saka bumibigkas sa mga ito ng ika-112 kabanata, ika-113 kabanata, at ika-114 kabanata [ng Qur'ān]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging isang mapagpaimbabaw na lantay; at ang sinumang may naging nasa kanya na isang katangian mula sa mga ito, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa isang pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraydor siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagsasamasamang-loob siya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano
Kapag kumain ang isa sa inyo ng pagkain;huwag niyang punasan ang kamay niya hanggat hindi niya ito dinilaan o ipadila [sa iba]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos na gumawa para sa kanya ng singsing na yari sa ginto
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Lahat ng inumin na nakakahilo ay ipinagbabawal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pagkatapos nito;o sangkatauhan! Tunay na ipinahayag [sa Qur-an] ang pagbabawal ng alak,At ito ay may limang pinagmumulan: sa ubas,dateles,pulot-pukyutan,trigo at lentil
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag ang isang lalaki-o isang tao-ay nanilip sa iyo, nang walang pahintulot mula sa iyo,hinagis mo sa kanya ang bato at nabulag mo ang isang mata niya,Wala kang magiging kasalanan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagsuot ng sutla maliban sa dalawang lalagyan sa daliri o tatlo o apat
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Gusto ba ninyong sabihin ko sa inyo ang tungkol sa tatlong kalalakihan?:Ang isa sa kanila ay umupo [upang makinig sa pag-aalaala] sa Allah,Kaya't ipinagkaloob ni Allah sa kanya [ Ang kainaman at gantimpala ng pag-upong ito], At ang iba naman ay nahiya, Kaya't Nahiya si Allah sa kanya,habang ang iba naman ay tumalikod, Kaya't tinalikuran din siya ni Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sabihin mong: O Allah! tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan-ang Nakakaalam sa mga lingid at mga nakikita;Panginoon ng lahat ng bagay at Tagapamahala nito,Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahain maliban sa Iyo,Ako ay nagpapakupkop sa Iyo, mula sa kasamaan ng aking sarili at kasamaan ni Satanas at sa mga kasamaan niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang nananampalataya sa Allah at sa kabilang buhay ay bigyan niyang dangal ang kanyang bisita ng kanyang regalo ang sabi nila: at ano ang kanyang regalo? Oh Sugo ni Allah, sabi Niya: ang araw niya at ang gabi niya, at ang pagbisita ay tatlong araw, kaya kung anuman ang sumobra doon iyon ay kawang gawa sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagtatagubilin ko kay Allah ( sa pangangalaga niya) ang Relihiyon mo,at ang Katapatan mo,at mga Huling Gawain mo))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay Nagluluwalhati sa likod ng sinasakyan niya kung saan ito nahaharap,at ibinababa niya ang ulo niya,at si Ibn `Umar ay isinasagawa ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ako sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay bata pa,Marami akong naisa-ulo mula sa kanya,At walang humahadlang sa akin na magsalita maliban sa kahit saan ay mga lalaking higit matanda sa akin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
walang isang alipin na malalagay [sa isang lugar na] may epidemya,at mananatili siya sa lugar niya na may pagtitimpi at paghahangad sa gantimpala [ni Allah],nalalaman niya na walang tumatama sa kanya maliban sa ito ay nakatadhana ni Allah sa kanya,maliban sa mapapasakanya ang tulad ng gantimpala ng isang martir.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang bumisita ng may sakit o bumisita sa kapatid niya [ sa pananampalataya] para sa kaluguran ni Allah,Mananawagan sa kanya ang Anghel nang:Naging dalisay ka,at naging dakila ang iyong gantimpala,at gumawa ka ng iyong tahanan sa Paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay nagsalita,inuulit niya ito sa tatlong beses nang sa ganoon ay maunwaan ito,At kapag dumating siya sa mga tao at bumati siya ,Bumabati siya sa kanila ng tatlong beses
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kang makikipag-kaibigan maliban sa mananampalataya,at walang kakain sa pagkain mo maliban sa [taong] may takot [sa Allah]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Satanas ay nakikisalo sa pagkain na hindi binibigkas rito ang Pangalan ni Allah-Pagkataas-taas Niya,At Katotohanang dumating [bumulong] siya sa batang babae na ito upang makisalo sa kanya,kaya hinawakan ko ang kamay niya,at dumating [bumulong] siya sa Arabong ito [Naninirahan sa Disyerto] upang makisalo sa kanya,kaya hinawakan ko ang kamay niya,Sumpa sa Kaluluwa ko na Hawak niya sa Kamay niya,Katotohanang ang kamay niya[satanas] ay nasa kamay ko kasama ang kamay nilang dalawa)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nang likhain ni Allah si Adam-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi:Pumunta ka [sa kanila] at bumati ka sa kanilang mga grupo ng Anghel na nakaupo,Pakinggan mo kung ano ang [salitang] paagbati ang gagamitin nila sa iyo,sapagkat ito ang magsisilbing pagbati mo at pagbati ng mga anak mo.Ang sabi niya: Ang pangangalaga ay sumainyo,Ang sabi nila: Ang pangangalaga ay sumaiyo at ang habag ni Allah,Dinagdagan nila ito ng;at ang habag ni Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nalapit ang [huling] panahon, ang panaginip ng Mananampalataya ay hindi halos nagsisinungaling. Ang panaginip ng Mananamapalataya ay isang bahagi mula sa apatnapu't anim na bahagi ng pagkapropeta.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag inumaga ang anak ni Adan, tunay na ang mga bahagi ng katawan, ang lahat ng mga ito, ay nagpapakumbaba sa dila, na nagsasabi: Mangilag kang magkasala alang-alang sa amin sapagkat kami ay nasa iyo lamang kaya kung nagpakatuwid ka, magpapakatuwid kami; at kung nabaluktot ka, mababaluktot kami.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ang isang lalaki sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi:Assalamu `Alaykom,sumagot siya sa kanya pagkatapos ay umupo siya,nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;Sampu,Paktapos ay dumating ang iba,at nasabi ito ng; Assalamu `Alaykom Warahmatullah,sumagot siya sa kanya at umupo siya,Nagsabi siya na; Dalawampu
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah,buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: (( Katotohanan sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita mula sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya,hindi niya ito isinasaalang-alang,(hanggang) sa itinataas siya ni Allah dahil dito sa mga matataas na antas,at katotohanan,sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita mula sa pagkapoot ni Allah Pagkataas-taas Niya,hindi niya ito isinasaalang-alang,ibaba siya dahil rito sa Impiyerno)) Isinaysay ni Imam Al-Bukharie,At ayon kay Abdurrahman Bilal bin Al-Harith Al-Muznie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--ay nagsabi;(( Katotohanan,sa isang lalaki na nagsasalita ng pananalita mula sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya,Hindi niya ina-akala na siya ay aabot sa anumang kanyang inabot,Isinusulat sa kanya ni Allah rito ang pagkalugod Niya hanggang sa Araw na pagharap Niya sa kanya,at Katotohanan,sa isang lalaki na nagsasalita ng pananalita mula sa pagkapoot ni Allah Pagkataas-taas Niya,Hindi niya ina-akala na siya ay aabot sa anumang kanyang inabot,Isinusulat sa kanya ni Allah rito ang pagkapoot Niya hanggang sa Araw na pagharap Niya sa kanya)) Isinaysay ni Imam Malik sa aklat na Muwatta at Imam Attermidhie,At sinabi niya; Hadith na maganda at tumpak
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pinakamalapit sa mga tao kay Allah ay ang nagsimula sa kanila sa pagbati
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na kabilang sa pinakasukdulan sa mga kabulaanan ay ang mag-angkin ang tao [na anak daw siya] ng hindi niya ama, o [magpanggap na] ipinakita sa mata niya ang hindi niya nakita, o magsabi tungkol sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng hindi nito sinabi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May isang lalaking nagpaalam sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya nagsabi siya: "Magpahintulot kayo rito; kay sama nitong kapatid ng lipi."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kami noon ay naglalaan para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng bahagi niya sa gatas, at pumupunta siya sa gabi at bumabati ng pagbating hindi siya nanggigising ng tulog at ipinaririnig niya sa gising.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tungkol sa tunay na kung siya ay sakaling bumanggit [kay Allah], talagang sumapat na sana ito sa inyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at banggitin ninyo ang pangalan ni Allah, pagpapalain Niya kayo roon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Huwag ninyong pagsabayin [ang dalawang datiles] sapagkat tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal ng pagsasabay [ng pagkain ng dalawang datiles]." Pagkatapos ay nagsasabi siya: "Malibang magpaalam ang lalaki sa kasama niya."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ang impyernong ito ay kalaban ninyo, at kapag kayo ay nakatulog na, ay papatayin o papawiin ko siya sa inyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ito ay sumunod sa amin; kaya kung loloobin mo, magpapahintulot ka rito; at kung loloobin mo, uuwi ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kumakain sa pamamagitan ng tatlong daliri; at kapag natapos siya, dinidilaan niya ang mga ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang tagapagpainom ng mga tao ay ang pinakahuli sa kanila sa pag-inom.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pinainom ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, mula sa Zamzam at uminom siya habang siya ay nakatayo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kami noon sa panahon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay kumakain habang kami ay naglalakad at umiinom habang kami ay nakatayo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag kayo ay tatlo ay huwag magbulungan ang dalawa na hindi kasama ang isa pa, malibang nakahalo kayo sa mga tao, dahil iyon ay magpapalungkot sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hinding-hindi iinom ang isa sa inyo na nakatayo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag patayuin ng lalaki ang isang lalaki sa inuupuan niya,pagkatapos ay uupo siya rito,subalit magluwang kayo at magpalawak kayo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Babati ang maliit sa malaki,at ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sapat na sa isang grupo na kapag dumaan sila ay bumati ang isa sa kanila,at sapat na sa grupo na tumugon ang isa sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang paglalakbay ay isang piraso ng pagdurusa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang iniwan ang pananamit na pagpakumbaba sa Allah, at ito ay kaya niya, tatawagin siya ng Allah sa araw ng paghukom sa gitna ng mga nilalang (tao) hanggang sa papipiliin sya mula sa anong damit pananampalataya ang nais niyang suutin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag na huwag uminom ang isa sa inyo na nakatayo,sinuman ang nakalimot ay isuka niya ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-inom sa bunganga ng lalagyang tubig o bibig [ng lalagyang tubig ]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagbasag sa bunganga ng iniinuman.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah ni Allah at pangalagaan-ay nagbabawal ng pag-ihip sa inumin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumaan ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa sarong ko ay may Kataasan,Nagsabi siya:(( O Alipin ni Allah,itaas mo ang Sarong mo)) itinaas ko ito.Pagkatapos ay nagsabi siya:(( Dagdagan mo pa)),Dinagdagan ko ito,Nananatili ako sa pagsasagawa pagkatapos nito,Nagsabi ang ilan sa mga grupo ng tao,Hanggang saan? Nagsabi siya: Hanggang sa gitna ng dalawang binti.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, Panginoon ng mga tao, alisin mo ang kapinsalaan. Ikaw ang Tagapagpagaling
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Muslim, kapag dumalaw siya sa kapatid niyang Muslim, ay hindi matitigil sa pamimitas sa Paraiso hangang sa makauwi siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dinalhan ng inumin. Uminom siya mula rito samantalang sa gawing kanan niya ay may batang lalaki
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag magmithi ang isa sa inyo ng kamatayan. Kung gumagawa siya ng mabuti, harinawa siya ay magdagdag pa; at kung gumagawa siya ng masama, harinawa siya ay magsisi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag kumain noon ng isang pagkain, ay dumidila sa tatlong daliri niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumunta ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang siya ay nagtatalumpati.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
siya ay napadaan sa mga bata kaya bumati siya sa kanila at nagsabi: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay gumagawa niyon noon."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Narinig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang lalaki na nagbibigay puri sa isang lalaki at nagmamalabis siya sa pagpuri niya,Nagsabi siya: ((Sinawi ninyo o pinutol ninyo ang likod ng isang lalaki
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapighatian sa iyo! Pinutol mo ang leeg ng kaibigan mo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na maglakbay dala ang Qur'an sa lupain ng kaaway.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Habang ang isang ay naglalakad sa (napakaganda nitong) damit,namamangha ito sa sarili niya,nasuklay ang buhok niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Habang kami ay nasa paglalakbay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Dumating ang isang lalaki sa dala nitong sasakyan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Aba Al-Hasan!,Kumusta ang kalagayan ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan?Nagsabi siya: Siya ay naging maayos na,Ang Papuri ay sa Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay naglakbay,Nagpapakupkop siya sa kahirapan ng paglalakbay,at sa Nakakapag-hinagpis na daratnan,At Kakulangan pagkatapos ng kaganapan,at sa panalangin ng mga naaapi,at sa masamang paningin sa Pamilya at sa kayamanan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang [isang] sumasakay ay demonyo, ang dalawang sumasakay ay dalawang demonyo, ang tatlo ay mga sumasakay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag naglakbay kayo sa matabang lupain, ibigay ninyo sa mga kamelyo ang bahagi ng mga ito sa lupa. Kapag naglakbay kayo sa payat na lupa, paspasan ninyo para sa mga ito ang paglalakbay at pabilisin ninyo ang mga ito sa patutunguhan bago mapagod ang mga ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Manatili kayo sa paglalakbay sa gabi sapagkat tunay na ang daigdig ay tinutupi sa gabi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag siya noon ay nasa isang paglalakbay at namahinga sa gabi, ay humihiga sa kanang tagiliran niya. Kapag namahinga siya bago magmadaling-araw, itinutukod niya ang braso niya at inilalagay niya ang ulo niya sa palad niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpapahuli sa paglalakbay at nag-aakay ng mahina, nag-aangkas, at dumadalangin para rito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O pangkat ng mga lumikas at mga dumamay, tunay na kabilang sa mga kapatid ninyo ay mga taong walang ari-arian at walang lipi kaya magsama ang isa sa inyo sa kanya ng dalawang lalaki o tatlo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagkain ng dalawa ay sasapat sa tatlo. Ang pagkain ng tatlo ay sasapat sa apat.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magkaroon ka ng pangingilag sa pagkakasala kay Allah at pagdakila [kay Allah] sa bawat mataas na lugar.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagnais siya noon na humiga, inilalagay niya ang kanang kamay niya sa ilalim ng pisngi niya. Pagkatapos ay nagsasabi siya: "Allāhumma qinī `adhābaka yawma tab`athu `ibādak. (O Allāh, iligtas Mo ako sa parusa Mo sa araw na bubuhayin Mo ang mga lingkod Mo.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kami noon, kapag umakyat kami, ay nagdadakila, at kapag bumaba kami, ay nagluluwalhati.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O mga tao, maghinay-hinay kayo sa mga sarili ninyo sapagkat tunay na kayo ay hindi dumadalangin sa bingi ni sa nakaliban. Tunay na Siya ay kasama ninyo. Tunay na Siya ay nakaririnig, malapit.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim na maysakit sa umaga malibang dadalangin ng pagpapala para sa kanya ang pitumpong libong anghel
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakabulaan sa mga kabulaanan ay na magkunwari ang lalaki na nakita ng mga mata niya ang hindi naman nakita ng mga ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi nararapat sa isang matapat na siya ay maging palasumpa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong isumpa ang bawat isa sa sumpa ni Allah,at sa poot Niya,at sa naglalagablab na apoy Niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya:Habang ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa ilang lakad nito,at ang isang babae mula sa Ansar na nasa kamelyo,Nagalit siya rito, at Isinumpa niya ito(kamelyo),Narinig ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi siya:((Kunin ninyo ang mga gamit rito at pakawalan ninyo ito,sapagkat ito ay isinumpa))Nagsabi si Emran:Para kung nakikita ngayon,na naglalakad ito sa mga tao at walang pumapansin rito kahit na isa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Barzah Nadhlah bin Ubayd Al-Aslamie-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Habang ang isang babae ay nasa kamelyo dala nito ang ilan sa mga bagahe ng mga tao,at nakita siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at naging makitid para sa kanila ang bundok,nagsabi siya:(Hal)-Solusyunan,O Allah sumpain mo siya.Kaya nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Hindi isinasama sa atin ang kamelyo na may sumpa.))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagsabi ang isang lalaki na nasawi ang mga tao,siya ay higit na [naging] sawi sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang naglalaitan sa sinasabi nila, nasa nagpasimula sa kanilang dalawa [ang kasalanan] hanggang hindi nagmamalabis ang naapi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano ang mayroon kayo at mayroon ang mga pagtitipon sa mga daan? Iwasan ninyo ang mga pagtitipon sa mga daan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
takpan ninyo ang mga lalagyan,at itali ninyo ang mga lalagyan ng tubig,isara ninyo ang mga pintuan,at patayin ninyo ang mga ilaw,Dahil hindi makakalagan ni Satanas ang mga [nakataling] lalagyan ng mga tubig,at hindi niya mabubuksan ang mga pintuan,at hindi niya matatanggal ang mga [takip] ng lalagyan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O mga tao, ang sinumang nakaalam ng anuman ay magsabi nito, at ang sinumang hindi nakaalam ay magsabi ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam) sapagkat tunay na bahagi ng kaalaman na magsabi sa anumang hindi nalalaman ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal na magsuot ng sapatos ang tao nang nakatayo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag mong alipustain ang lagnat sapagkat tunay na ito ay nag-aalis ng mga kasalanan ng mga anak ni Adan gaya ng pag-aalis ng bulusan ng dumi ng bakal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-utos na dilaan ang mga daliri at ang plato at nagsabi siya: "Tunay na kayo ay hindi nakaaalam kung sa aling bahagi ang biyaya."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Afṭara `indakumu ­ṣṣā'imūna wa akala ta`āmakumu ­l'abrāra wa ṣallat `alaykumu ­lmalā'ikah. (Nagsagawa ng ifṭār sa piling ninyo ang mga nag-aayuno, kumain ng pagkain ninyo ang mga nagpapakabuti, at dumalangin para sa inyo ang mga anghel.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Allah ay hindi kumukuha ng kaalaman sa paraang hinahablot Niya ito mula sa mga tao, subalit kinukuha niya ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkuha sa mga maalam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
(Magdasal kayo nang dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at kapag dumating ang oras ng pagdarasal,tumawag ng Azān ang isa sa inyo at manguna sa inyo ( sa pagdarasal) ang may pinakamarami sa inyong (naisa-ulo) mula sa Qur-an
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magiging tagapagbantay ako ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw na ito,Dumating si Abu Bakar-at itinulak niya ang pintuan,Sinabi ko: Sino iyan: Nagsabi siya: Si Abu Bakar,Sinabi kong: Maghintay ka,Pagkatapos ay pumunta ako [sa Propeta] sinabi ko:O Sugo ni Allah! Andito si Abu Bakar,nagpapaalam [na pumasok], Nagsabi siya:((Pahintulutan mo siya at iparating mo sa kanya [ang magandang balita] na siya ay mananahanan sa Paraiso))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O malaking tiyan, lumalabas lamang kami sa umaga alang-alang sa pagbati at binabati namin ang sinumang makatagpo namin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Tunay na ang demonyo ay dumadaloy mula sa anak ni Adan gaya ng pagdaloy ng dugo at tunay na ako ay natakot na pumukol siya sa mga puso ninyong dalawa ng kasamaan," o nagsabi siya: "...ng anuman."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, pagalingin mo si Sa`d, o Allah pagalingin mo si Sa`d
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pagkakahati-hati ninyo sa mga daanan [sa bundok] at mga lambak na ito, iyon lamang ay mula sa Demonyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At Ayon kay Anas bin Sērēn,nagsabi siya:Kasama ko si Anas bin Mālik malugod si Allah sa kanya- sa mga taong Sumasamba sa Apoy,ini-abot sa kanya ang matatamis na pagkain (Faluzaj) sa isang lalagyan na yari sa pilak,ngunit hindi siya kumain rito,Sinabi sa kanya: ilipat mo ito,inilipat niya ito sa isang lalagyan na mula sa mangkok,iniabot ito sa kanya,at kumain siya rito.Isinalaysay ni Imām Al-Bayhaqie sa Isnād na Maganda.((lalagyan na yari sa kahoy)); mangkok
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Umalis kami upang salabungin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kasama ng mga bata patungo sa Thanīyah Al-Wadā`.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpabatid siya sa amin ng mga nangyari at ng mga mangyayari. Ang pinakamaalam sa amin ay ang pinakamatandain sa amin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyo alipustain ang tandang sapagkat tunay na ito ay nanggigising para sa pagdarasal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kang bumati ng `alayka -s-salām (sumaiyo ang kapayapaan) sapagkat ang `alayka -s-salām ay pagbati sa mga patay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma, rabba -nnāsi, mudhhibal ba'si, ishfi anta -shshāfī lā shāfiya illā anta shifā'an lā yughādiru suqmā (O Allāh, Panginoon ng mga tao, tagapag-alis ng kapinsalaan, magpagaling Ka, Ikaw ang Tagapagpagaling: walang tagapagpagaling kundi Ikaw, pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng karamdaman).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu