+ -

عن عُمر بن أبي سلمة رضي الله عنه قال:
كُنْتُ غُلَامًا فِي حَجْرِ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، وَكَانَتْ يَدِي تَطِيشُ فِي الصَّحْفَةِ، فَقَالَ لِي رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «يَا غُلَامُ، سَمِّ اللهَ، وَكُلْ بِيَمِينِكَ، وَكُلْ مِمَّا يَلِيكَ» فَمَا زَالَتْ تِلْكَ طِعْمَتِي بَعْدُ.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5376]
المزيــد ...

Ayon kay `Umar bin Abī Salamah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ako noon ay isang batang lalaking nasa pangangalaga ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Minsan, ang kamay ko ay naglilikot sa plato, kaya nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O bata, sumambit ka ng ngalan ni Allāh, kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo, at kumain ka mula sa nalalapit sa iyo." Kaya hindi natigil iyon bilang [paraan ng] pagkain ko matapos niyon.}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5376]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid si `Umar na anak ni Abī Salamah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), na anak ng maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Ummu Salamah (malugod si Allāh sa kanya), na noon ay nasa ilalim ng pag-aalaga at pag-aaruga ng Propeta, na noong minsang siya ay nasa sandali ng pagkain habang naglilipat siya ng kamay niya sa mga gilid ng bandehado upang damputin ang pagkain, nagturo sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlong etiketa mula sa mga etiketa ng pagkain:
A. Ang pagsabi ng Bismi –llāh (Sa ngalan ni Allāh) sa simula ng pagkain.
B. Ang pagkain sa pamamagitan ng kanang kamay.
C. Ang pagkain mula sa gilid na malapit mula sa pagkain.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Kabilang sa mga etiketa ng pagkain at pag-inom ang pagsambit ng Bismi –llāh sa simula nito.
  2. Ang pagtuturo sa mga bata ng mga etiketa, lalo na sa mga nasa ilalim ng pag-aaruga ng tao.
  3. Ang kabanayaran ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang lawak ng tiyaga niya sa pagtuturo sa mga nakababata at pagdudulot ng edukasyon sa kanila.
  4. Kabilang sa mga etiketa ng pagkain ang pagkain mula sa malapit sa tao, malibang kapag may sarisaring putahe sapagkat maaari sa kanya na kumuha mula sa mga iyon.
  5. Ang pananatili ng mga Kasamahan sa etiketang itinuro sa kanila ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Iyon ay mahihinuha mula sa sabi ni `Umar: {Kaya hindi natigil iyon bilang [paraan ng] pagkain ko matapos niyon.}