عن ابن عمر رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«إِذَا أَكَلَ أَحَدُكُمْ فَلْيَأْكُلْ بِيَمِينِهِ، وَإِذَا شَرِبَ فَلْيَشْرَبْ بِيَمِينِهِ، فَإِنَّ الشَّيْطَانَ يَأْكُلُ بِشِمَالِهِ، وَيَشْرَبُ بِشِمَالِهِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2020]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Kapag kumain ang isa sa inyo, kumain siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; at kapag uminom siya, uminom siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; sapagkat tunay na ang demonyo ay kumakain sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya at umiinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2020]
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kumain ang Muslim at uminom ito sa pamamagitan ng kanang kamay nito at sumasaway siya laban sa pagkain at pag-inom sa pamamagitan ng kaliwang kamay dahil ang demonyo ay kumakain at umiinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay.