+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنْ كَانَتْ لَهُ امْرَأَتَانِ فَمَالَ إِلَى إِحْدَاهُمَا، جَاءَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَشِقُّهُ مَائِلٌ».

[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي وابن ماجه وأحمد] - [سنن أبي داود: 2133]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang nagkaroon ng dalawang maybahay saka kumiling siya sa isa sa kanilang dalawa, darating siya sa Araw ng Pagbangon habang ang gilid niya ay nakakiling."}

[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 2133]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagkaroon ng higit sa isang maybahay saka hindi siya nagpatupad sa pagitan ng mga maybahay niya ng katarungang nakakaya gaya ng pagpapantay sa mga maybahay sa paggugol, tirahan, damit, at pagpapagabi, ang parusa sa kanya sa Araw ng Pagbangon ay na ang kalahati ng katawan niya ay maging nakakiling. Ang pagkiling nito ay isang kaparusahan sa kanya sa pang-aapi niya, kung paanong kumiling siya sa pakikitungo niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkakinakailangan sa lalaki ng paghahati ng oras sa pagitan ng dalawang maybahay niya o mga maybahay niya. Ipinagbabawal sa kanya ang pagkiling sa isa sa kanila higit sa mga iba kaugnay sa anumang nakakaya niya gaya ng paggugol, pagpapagabi, kagandahan ng pakikiharap, at tulad niyon.
  2. Ang pagpapantay sa paghahati ng oras at tulad nito kaugnay sa anumang nakokontrol ng tao. Hinggil naman sa hindi niya nakokontrol gaya ng pag-ibig at pagkiling na pampuso, tunay na ito ay hindi napaloloob sa ḥadīth. Ito ang pinapakay sa sabi ni Allāh (Qur'ān 4:129): {Hindi kayo makakakaya na magmakatarungan sa mga maybahay kahit pa nagsigasig kayo.}
  3. Ang ganti ay magiging kabilang sa uri ng gawain sapagkat tunay na ang lalaki, kapag kumiling siya sa Mundo sa isang maybahay higit sa isa pang maybahay, ay darating sa Araw ng Pagbangon habang nakakiling ang isa mga gilid ng katawan niya palayo sa isa pang gilid.
  4. Ang pagdakila sa mga karapatan ng mga tao at na hindi nagpaparaya sa mga ito dahil ang mga ito ay nakabatay sa pagmamaramot at pagbubusisi.
  5. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagkakasya sa iisang maybahay kapag nangamba ang lalaki na hindi siya makapagmakatarungan sa mga maybahay niya upang hindi siya masadlak sa pagkukulang sa Relihiyon. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 4:3): {Ngunit kung nangamba kayo na hindi kayo makapagmakatarungan ay [mag-asawa ng] isa ...}
Ang karagdagan