عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بنِ عُمرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُما أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«كُلُّكُمْ رَاعٍ فَمَسْئُولٌ عَنْ رَعِيَّتِهِ، فَالأَمِيرُ الَّذِي عَلَى النَّاسِ رَاعٍ وَهُوَ مَسْئُولٌ عَنْهُمْ، وَالرَّجُلُ رَاعٍ عَلَى أَهْلِ بَيْتِهِ وَهُوَ مَسْئُولٌ عَنْهُمْ، وَالمَرْأَةُ رَاعِيَةٌ عَلَى بَيْتِ بَعْلِهَا وَوَلَدِهِ وَهِيَ مَسْئُولَةٌ عَنْهُمْ، وَالعَبْدُ رَاعٍ عَلَى مَالِ سَيِّدِهِ وَهُوَ مَسْئُولٌ عَنْهُ، أَلاَ فَكُلُّكُمْ رَاعٍ وَكُلُّكُمْ مَسْئُولٌ عَنْ رَعِيَّتِهِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2554]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Bawat isa sa inyo ay tagapag-alaga saka pinananagot sa alaga niya. Ang pinuno sa mga tao ay tagapag-alaga at siya ay pinananagot sa kanila. Ang lalaki ay tagapag-alaga sa sambahayan niya at siya ay pinananagot sa kanila. Ang babae ay tagapag-alaga sa bahay ng asawa niya at anak nito at siya ay pinananagot sa kanila. Ang alipin ay tagapag-alaga sa ari-arian ng pinapanginoon niya at siya ay pinananagot dito. Pansinin, bawat isa sa inyo ay tagapag-alaga at bawat isa sa inyo ay pinananagot sa alaga niya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2554]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa bawat Muslim sa lipunan ay may pananagutang aalagaan niya at papasanin niya. Ang tagapanguna o ang pinuno ay tagapag-alaga sa pinaalagaan sa kanya ni Allāh kaya kailangan sa kanya ang mag-ingat sa mga batas nila, ang magsanggalang sa kanila laban sa nang-api sa kanila, ang makibaka sa kaaway nila, at ang hindi magwala sa mga karapatan nila. Ang lalaki sa sambahayan niya ay naatangan ng pag-aaruga sa kanila sa pamamagitan ng paggugol, kagandahan ng pakikisama, pagtuturo sa kanila, at pagdisiplina sa kanila. Ang babae sa bahay ng asawa niya ay tagapag-alaga sa pamamagitan ng kagandahan ng pangangasiwa sa bahay nito at pagpapalaki sa mga anak nito. Siya ay pinananagot doon. Ang tagapaglingkod na minamay-ari o inuupahan ay pinananagot sa ari-arian ng amo niya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pag-iingat sa anumang nasa kamay niya mula sa amo at paglilingkod dito. Siya ay pinananagot doon. Kaya ang bawat isa ay tagapag-alaga sa pinaalagaan sa kanya at ang bawat isa ay pinananagot sa alaga niya.