+ -

عن عُبَادَةَ بن الصَّامتِ رضي الله عنه قال:
بَايَعْنَا رسولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم على السَّمْعِ وَالطَّاعَةِ فِي الْعُسْرِ وَالْيُسْرِ، وَالْمَنْشَطِ وَالْمَكْرَهِ، وعلى أَثَرَةٍ علينا، وعلى أَلَّا نُنَازِعَ الْأَمْرَ أهلَه، وعلى أَنْ نَقُولَ بِالْحَقِّ أينما كُنَّا، لا نَخَافُ في الله لَوْمَةَ لَائِمٍ.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1709]
المزيــد ...

Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nangako kami ng katapatan sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pakikinig at pagtalima sa hirap at ginhawa at sa kasiglahan at katamlayan, sa [pagtanggap ng] pagtangi laban sa amin, sa hindi namin pakikipag-agawan sa pamumuno sa mga tagapagtaglay nito, at sa pagsasabi namin ng katotohanan naging saan man kami. Hindi kami nangangamba alang-alang kay Allāh sa isang paninisi ng isang tagasisi.}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1709]

Ang pagpapaliwanag

Tumanggap ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kasunduan at tipan mula sa mga Kasamahan niya kaugnay sa pagpapasakop sa mga may pamumuno at mga tagapamahala sa kadalian at kahirapan at kalagayan ng kariwasaan at karukhaan. Maging ang mga utos nila ay kabilang sa kinasisiyahan ng kaluluwa o kinasusuklaman nito. Kahit pa man kung sakaling nagtangi sa sarili ang mga tagapamahala higit sa pinamamahalaan kaugnay sa pampublikong yaman o mga puwesto o iba pa rito, tunay na kinakailangan para sa kanila ang pakikinig at ang pagtalima ayon sa nakabubuti at na hindi sila maghimagsik laban sa mga ito dahil ang sigalot at ang kaguluhan sa pakikipaglaban sa mga ito ay higit na mabigat at higit na matindi kaysa sa kaguluhang nangyayari dahil sa kawalang-katarungan ng mga ito. Kabilang sa pakikipagkasunduan nila na sabihin nila ang katotohanan sa alinmang lugar bilang mga nagpapakawagas kaugnay roon para kay Allāh, habang hindi nangangamba sa sinumang maninisi sa kanila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang bunga ng pakikinig at pagtalima sa mga may pamumuno ay ang pagkakaisa ng simulain ng mga Muslim at ang patapon sa pagkakaiba-iba.
  2. Ang pagkakinakailangan ng pakikinig at pagtalima sa mga may pamumuno kaugnay sa hindi pagsuway kay Allāh sa hirap at ginhawa at sa kasiglahan at katamlayan, at sa [pagtanggap ng] pagtangi na nagtatangi sila nito sa sarili.
  3. Ang pagkakinakailangan ng pagsabi ng katotohanan naging saan man tayo, nang walang pangangamba alang-alang kay Allāh sa isang paninisi ng isang tagasisi.
Ang karagdagan