+ -

عَنْ أُمِّ سَلَمَةَ أُمِّ المُؤمنين رضي الله عنها: أَنَّ رَسُولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم قَالَ:
«سَتَكُونُ أُمَرَاءُ فَتَعْرِفُونَ وَتُنْكِرُونَ، فَمَنْ عَرَفَ بَرِئَ، وَمَنْ أَنْكَرَ سَلِمَ، وَلَكِنْ مَنْ رَضِيَ وَتَابَعَ» قَالُوا: أَفَلَا نُقَاتِلُهُمْ؟ قَالَ: «لَا، مَا صَلَّوْا».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1854]
المزيــد ...

Ayon kay Ummu Salamah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Magkakaroon ng mga pinuno saka magmamabuti kayo at magmamasama kayo. Kaya ang sinumang nagmabuti sa [kabutihan nila], mapawawalang-sala siya; at ang sinumang nagmasama [sa kasamaan nila], maliligtas siya; subalit ang sinumang nalugod at nakipagsunuran [ay masasawi]." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, kaya hindi po ba kami makikipaglaban sa kanila?" Nagsabi siya: "Hindi, hanggat nagdarasal sila."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1854]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na may itatalaga sa atin na mga pinuno na magmamabuti tayo sa ilan sa mga gawain nila dahil sa pakikipagsang-ayunan ng mga ito sa minabuti sa Kapahayagan at magmamasama tayo sa ilan sa mga ito dahil sa pakikipagsalungatan nito roon. Ang sinumang nasuklam sa pamamagitan ng puso niya sa nakasasama at hindi nakakaya sa pagmasama, napawalang-sala nga siya sa kasalanan at pagpapaimbabaw. Ang sinumang nakakaya sa pagmasama sa pamamagitan ng kamay o sa pamamagitan ng dila saka nagmasama sa kanila niyon, naligtas nga siya sa pagsuway at pakikilahok doon. Subalit ang sinumang nalugod sa gawain nila at nakipagsunuran sa kanila roon ay masasawi gaya ng pagkasawi nila.
Pagtakapos tinanong nila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi po ba kami makikipaglaban sa mga nakatalaga sa pamamahala, na ito ang katangian nila?" Sumaway siya sa kanila laban doon at nagsabi siya: "Hindi, hanggat nagpapanatili sila sa inyo ng ṣalāh."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Kabilang sa mga katunayan ng pagkapropeta ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpapabatid niya tungkol sa magaganap kabilang sa mga nakalingid at ang pagkaganap nito gaya ng ipinabatid niya.
  2. Hindi pinapayagan ang pagkalugod sa nakasasama ni ang pakikilahok dito at kinakailangan ang pagmamasama rito.
  3. Kapag nagpangyari ang mga pinuno ng anumang sumasalungat sa Sharī`ah, hindi pinapayagan ang pagtalima sa kanila roon.
  4. Ang hindi pagpayag sa paghihimagsik sa mga nakatalaga sa pamamahala sa mga Muslim dahil sa inireresulta roon na kaguluhan, pagpapadanak ng mga dugo, at pagkaalis ng katiwasayan kaya naman ang pagbata sa kasamaan ng mga pinunong tagasuway at ang pagtitiis sa perhuwisyo nila ay higit na magaan kaysa sa paghihimagsik na iyon.
  5. Ang ṣalāh ay dakila ang pumapatungkol dito sapagkat ito ay ang tagapagpaiba sa pagitan ng kawalang-pananampalataya at Islām.