عن الزبير بن عدي، قال: أَتَيْنَا أنسَ بنَ مَالِكٍ رضي الله عنه فَشَكَوْنَا إليه ما نَلْقَى من الحَجَّاجِ، فقال: «اصْبِرُوا، فإنه لا يأتي زمانٌ إلا والذي بعده شَرٌّ منه حَتَّى تَلْقَوا رَبَّكُم» سمعتُه من نَبِيِّكُم صلى الله عليه وسلم .
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Az-Zubayr bin `Adīy na nagsabi: Pinuntahan namin si Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, at idinaing namin sa kanya ang dinaranas namin mula kay Al-Ḥajjāj kaya nagsabi siya: "Magtiis kayo sapagkat tunay na walang dumarating na isang panahon malibang ang matapos nito ay higit na masama kaysa rito hanggang sa makatagpo ninyo ang Panginoon ninyo." Narinig ko ito mula sa Propeta ninyo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Pumunta si Az-Zubayr bin `Adīy, at may kasama siyang isang pangkat, kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang alila ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Idinadaing nila sa kanya ang dinaranas nila mula kay Al-Ḥajjāj bin Yūsuf Ath-Thaqafīy, isa sa mga pinuno ng mga khalīfah ng angkang Umayyah. Siya ay kilala sa kawalang-katarungan at pagpapadanak ng mga dugo. Siya ay mapaniil, mapagmatigas. Inutusan sila ni Anas, malugod si Allāh sa kanya, na magtiis sa pang-aapi ng mga pinuno. Ipinabatid niya sa kanila na walang darating sa mga tao na isang panahon malibang ang kasunod nito ay higit na masama kaysa rito hanggang sa makatagpo nila ang Panginoon nila, at na ito ay narinig niya mula sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang kasamaang tinutukoy ay hindi kasamaang lubusan at pangkalahatan, bagkus ito ay maaaring maging isang kasamaan sa ilan sa mga kalagayan at maging isang kabutihan sa ibang mga kalagayan.