عن عرفجة رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«مَنْ أَتَاكُمْ وَأَمْرُكُمْ جَمِيعٌ عَلَى رَجُلٍ وَاحِدٍ، يُرِيدُ أَنْ يَشُقَّ عَصَاكُمْ، أَوْ يُفَرِّقَ جَمَاعَتَكُمْ، فَاقْتُلُوهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1852]
المزيــد ...
Ayon kay `Arfajah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang sinumang pumunta sa inyo – samantalang ang pasya ninyo ay nagkakaisa sa nag-iisang lalaki – na nagnanais na humati sa bukluran ninyo o magpawatak-watak sa pagkakaisa ninyo, patayin ninyo siya."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1852]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga Muslim – kapag nagkaisa sila sa iisang tagapamahala at iisang komunidad pagkatapos may dumating na sinumang nagnanais na agawin ang kapamahalaan o nagnais ng pagpapawatak-watak ng mga Muslim para maging higit sa isang komunidad – ay kailangan na pumigil sa kanya o makipaglaban sa kanya bilang pagtulak sa kasamaan niya at pagpapadanak ng dugo ng mga Muslim.