عَنْ عُثْمَانَ الشَّحَّامِ، قَالَ: انْطَلَقْتُ أَنَا وَفَرْقَدٌ السَّبَخِيُّ إِلَى مُسْلِمِ بْنِ أَبِي بَكْرَةَ وَهُوَ فِي أَرْضِهِ، فَدَخَلْنَا عَلَيْهِ فَقُلْنَا: هَلْ سَمِعْتَ أَبَاكَ يُحَدِّثُ فِي الْفِتَنِ حَدِيثًا؟ قَالَ: نَعَمْ، سَمِعْتُ أَبَا بَكْرَةَ رضي الله عنه يُحَدِّثُ، قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِنَّهَا سَتَكُونُ فِتَنٌ، أَلَا ثُمَّ تَكُونُ فِتْنَةٌ الْقَاعِدُ فِيهَا خَيْرٌ مِنَ الْمَاشِي فِيهَا، وَالْمَاشِي فِيهَا خَيْرٌ مِنَ السَّاعِي إِلَيْهَا، أَلَا فَإِذَا نَزَلَتْ أَوْ وَقَعَتْ فَمَنْ كَانَ لَهُ إِبِلٌ فَلْيَلْحَقْ بِإِبِلِهِ، وَمَنْ كَانَتْ لَهُ غَنَمٌ فَلْيَلْحَقْ بِغَنَمِهِ، وَمَنْ كَانَتْ لَهُ أَرْضٌ فَلْيَلْحَقْ بِأَرْضِهِ»، قَالَ فَقَالَ رَجُلٌ: يَا رَسُولَ اللهِ أَرَأَيْتَ مَنْ لَمْ يَكُنْ لَهُ إِبِلٌ وَلَا غَنَمٌ وَلَا أَرْضٌ؟ قَالَ: «يَعْمِدُ إِلَى سَيْفِهِ فَيَدُقُّ عَلَى حَدِّهِ بِحَجَرٍ، ثُمَّ لِيَنْجُ إِنِ اسْتَطَاعَ النَّجَاءَ، اللهُمَّ هَلْ بَلَّغْتُ؟ اللهُمَّ هَلْ بَلَّغْتُ؟ اللهُمَّ هَلْ بَلَّغْتُ؟»، قَالَ: فَقَالَ رَجُلٌ: يَا رَسُولَ اللهِ أَرَأَيْتَ إِنْ أُكْرِهْتُ حَتَّى يُنْطَلَقَ بِي إِلَى أَحَدِ الصَّفَّيْنِ، أَوْ إِحْدَى الْفِئَتَيْنِ، فَضَرَبَنِي رَجُلٌ بِسَيْفِهِ، أَوْ يَجِيءُ سَهْمٌ فَيَقْتُلُنِي؟ قَالَ: «يَبُوءُ بِإِثْمِهِ وَإِثْمِكَ، وَيَكُونُ مِنْ أَصْحَابِ النَّارِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2887]
المزيــد ...
Ayon kay `Uthmān Ash-Shaḥḥām na nagsabi: "Lumisan ako kasama si Farqad As-Sabakhīy papunta kay Muslim bin Abī Bakrah habang siya ay nasa lupain niya. Pumasok kami sa kanya saka nagsabi kami: Nakarinig ka ba sa ama mo na nagsasanaysay ng isang ḥadīth kaugnay sa mga sigalot? Nagsabi siya: Oo; nakarinig ako kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsasanaysay, na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na ang mga iyon ay magiging mga sigalot. Pansinin, pagkatapos may mangyayaring isang sigalot, na ang nakaupo roon ay higit na mabuti kaysa sa naglalakad doon at ang naglalakad doon ay higit na mabuti kaysa sa tumatakbo papunta roon. Pansinin, kaya kapag bumaba iyon o naganap iyon, ang sinumang nagkaroon ng mga kamelyo ay mamalagi siya sa mga kamelyo niya, ang sinumang nagkaroon ng mga tupa ay mamalagi siya sa mga tupa niya, at ang sinumang nagkaroon ng lupain ay mamalagi siya sa lupain niya." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba sa sinumang hindi nagkaroon ng mga kamelyo ni mga tupa ni lupain?" Nagsabi siya: "Tutungo siya sa tabak niya saka magpupukpok siya sa talim nito ng isang bato, pagkatapos tumakas siya kung nakaya niya ang pagtakas. O Allāh, nakapagpaabot ba ako? O Allāh, nakapagpaabot ba ako? O Allāh, nakapagpaabot ba ako?" Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba kung pinilit ako hanggang sa nakapagpalisan sa akin papunta sa isa sa dalawang hanay o isa sa dalawang sigalot saka may tumaga sa akin na isang lalaki ng tabak niya o may tumamang isang palaso saka papatay ito sa akin?" Nagsabi siya: "Magdadala siya ng kasalanan niya at kasalanan mo. Siya ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2887]
Nagtanong sina `Uthmān Ash-Shaḥḥām at Farqad As-Sabakhīy kay Muslim na anak ng Kasamahang kapita-pitagang si Abū Bakrah (malugod si Allāh dito) kung nakarinig ba siya mula sa ama niya ng isang ḥadīth ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa mga sigalot at pakikipaglaban na magaganap sa pagitan ng mga Muslim. Kaya nagsabi naman siya ng oo. Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga iyon ay magiging mga sigalot matapos ng pagkamatay niya. Ang sigalot na iyon, ang nakaupong nalilingat doon ay higit na mabuti kaysa sa naglalakad doon habang siya ay hindi tumatanaw niyon at naghahanap niyon; at ang naglalakad doon ay higit na mabuti kaysa sa nagmamabilis papunta roon habang naghahanap niyon at nakikilahok doon. Pagkatapos gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang bababaan o gaganapan ng sigalot sa panahon nito at piling niya. Kung nakatagpo ito ng isang madudulugan, magpakanlong siya roon. Ang sinumang nagkaroon ng mga kamelyong nanginginain ay mamalagi siya sa mga kamelyo niya. Ang sinumang nagkaroon ng mga tupang nanginginain ay mamalagi siya sa mga tupa niya. Ang sinumang nagkaroon ng lupain at taniman ay mamalagi siya sa lupain niya. Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba sa sinumang hindi nagkaroon ng isang kanlungan na mga kamelyo ni mga tupa ni lupain?" Nagsabi siya: "Tutungo siya sa tabak niya saka magpupukpok at manira siya nito, pagkatapos pumuslit siya at magtakas siya ng sarili niya at anak niya kung nakaya niya ang pagtakas." Pagkatapos nagpasaksi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Allāh nang makatatlo sapagkat nagsabi siya: "O Allāh, nakapagpaabot ba ako? O Allāh, nakapagpaabot ba ako? O Allāh, nakapagpaabot ba ako?" Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba kung pinuwersa ako na makilahok ako sa isa sa dalawang hanay o isa sa dalawang sigalot saka may tumaga sa akin na isang lalaki ng tabak niya o may tumamang isang palaso saka papatay ito sa akin?" Nagsabi siya: "Magbabalik siya kalakip ng kasalanan ng sarili niya at kasalanan ng sinumang pinatay niya. Siya sa Araw ng Pagbangon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."