عَنْ حُذَيْفَةَ رضي الله عنه قَالَ: كُنَّا عِنْدَ عُمَرَ رضي الله عنه، فَقَالَ: أَيُّكُمْ سَمِعَ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَذْكُرُ الْفِتَنَ؟ فَقَالَ قوْمٌ: نَحْنُ سَمِعْنَاهُ، فَقَالَ: لَعَلَّكُمْ تَعْنُونَ فِتْنَةَ الرَّجُلِ فِي أَهْلِهِ وَجَارِهِ؟ قَالُوا: أَجَلْ، قَالَ: تِلْكَ تُكَفِّرُهَا الصَّلَاةُ وَالصِّيَامُ وَالصَّدَقَةُ، وَلَكِنْ أَيُّكُمْ سَمِعَ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَذْكُرُ الَّتِي تَمُوجُ مَوْجَ الْبَحْرِ؟ قَالَ حُذَيْفَةُ: فَأَسْكَتَ الْقَوْمُ، فَقُلْتُ: أَنَا، قَالَ: أَنْتَ لِلَّهِ أَبُوكَ، قَالَ حُذَيْفَةُ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«تُعْرَضُ الْفِتَنُ عَلَى الْقُلُوبِ كَالْحَصِيرِ عُودًا عُودًا، فَأَيُّ قَلْبٍ أُشْرِبَهَا نُكِتَ فِيهِ نُكْتَةٌ سَوْدَاءُ، وَأَيُّ قَلْبٍ أَنْكَرَهَا نُكِتَ فِيهِ نُكْتَةٌ بَيْضَاءُ، حَتَّى تَصِيرَ عَلَى قَلْبَيْنِ، عَلَى أَبْيَضَ مِثْلِ الصَّفَا فَلَا تَضُرُّهُ فِتْنَةٌ مَا دَامَتِ السَّمَاوَاتُ وَالْأَرْضُ، وَالْآخَرُ أَسْوَدُ مُرْبَادًّا كَالْكُوزِ، مُجَخِّيًا لَا يَعْرِفُ مَعْرُوفًا، وَلَا يُنْكِرُ مُنْكَرًا، إِلَّا مَا أُشْرِبَ مِنْ هَوَاهُ»، قَالَ حُذَيْفَةُ: وَحَدَّثْتُهُ، أَنَّ بَيْنَكَ وَبَيْنَهَا بَابًا مُغْلَقًا يُوشِكُ أَنْ يُكْسَرَ، قَالَ عُمَرُ: أَكَسْرًا لَا أَبَا لَكَ؟ فَلَوْ أَنَّهُ فُتِحَ لَعَلَّهُ كَانَ يُعَادُ، قُلْتُ: لَا بَلْ يُكْسَرُ، وَحَدَّثْتُهُ أَنَّ ذَلِكَ الْبَابَ رَجُلٌ يُقْتَلُ أَوْ يَمُوتُ حَدِيثًا لَيْسَ بِالْأَغَالِيطِ. قَالَ أَبُو خَالِدٍ: فَقُلْتُ لِسَعْدٍ: يَا أَبَا مَالِكٍ، مَا أَسْوَدُ مُرْبَادٌّ؟ قَالَ: شِدَّةُ الْبَيَاضِ فِي سَوَادٍ، قَالَ: قُلْتُ: فَمَا الْكُوزُ مُجَخِّيًا؟ قَالَ: مَنْكُوسًا.
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 144]
المزيــد ...
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay nasa piling ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) saka nagsabi siya: "Alin sa inyo ang nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit ng mga sigalot?" Kaya may nagsabing mga tao: "Kami ay nakarinig sa kanya." Kaya nagsabi siya: "Baka kayo ay tumutukoy sa sigalot ng lalaki sa mag-anak niya at kapit-bahay niya?" Nagsabi sila: "Oo nga." Nagsabi siya: "Doon ay magtatakip-sala ang ṣalāh, ang pag-aayuno, at ang kawanggawa. Subalit alin sa inyo ang nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit ng umaalon nang pag-alon ng dagat?"} Nagsabi si Ḥudhayfah: {Kaya tumahimik ang mga tao saka nagsabi ako: "Ako po." Nagsabi siya: "Ikaw, para kay Allāh. ang ama mo!"} Nagsabi si Ḥudhayfah: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ilalahad ang mga sigalot sa mga puso gaya ng banig na nilala isang panlala matapos ng isang panlala. Kaya alinmang pusong pinainuman ng mga ito, may babatik dito na isang itim na batik; at alinmang pusong tumututol sa mga ito, may babatik dito na isang puting batik; hanggang sa ang mga ito ay maging nasa dalawang puso: nasa puti tulad ng kadalisayan kaya walang pipinsala rito na isang sigalot hanggat namalagi ang mga langit at ang lupa at ang iba ay itim na kulay-alikabok gaya ng saro habang nakatabingi, na hindi nakakikilala sa isang nakabubuti at hindi tumututol sa isang nakasasama, maliban sa ipinainom mula sa pithaya niya."} Nagsabi si Ḥudhayfah: {Nagsanaysay ako sa kanya na: "Sa pagitan mo at ng mga iyon ay may isang pintuang isinara na napipinto na mawasak." Nagsabi si `Umar: "Isang pagkawasak ba? Wala sa ama, bagkus ukol sa iyo![1] Kaya kung sakali na ito ay binuksan, baka ito ay panunumbalikin." Kaya nagsabi ako: "Hindi; bagkus wawasakin ito." Nagsanaysay ako rito na ang pintuang iyon ay [sumasagisag sa] isang lalaking papatayin o mamamatay – isang sanaysay na walang mga pagkakamali.} Nagsabi si Abū Khālid: {Nagsabi ako kay Sa`d: "O Ama ni Mālik, ano ang itim na kulay-alikabok?" Nagsabi ito: "Ang katindihan ng kaputian sa isang kaitiman." Nagsabi ako: "Saka ano ang saro habang nakatabingi?" Nagsabi ito: "Itiniwarik."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 144]
Ang pinuno ng mga mananampalataya na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay minsang nasa isang pagtitipon at may kapiling ito na isang pagkatipon ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) saka nagsabi siya sa kanila: "Alin sa inyo ang nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit ng mga sigalot?" Kaya nagsabi ang ilan sa kanila: "Kami ay nakarinig sa kanya na bumabanggit ng mga sigalot." Kaya nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Baka kayo ay tumutukoy sa pagsubok at pagsusulit ng lalaki sa natatangi sa kanya: sa maybahay niya at anak niya, na pakalabis ng pag-ibig niya sa kanila, pagdaramot niya para sa kanila, at pagkaabala niya dahil palayo sa marami sa kabutihan, o dahil sa pagpapabaya niya sa anumang inoobliga na pagsasagawa ng mga karapatan nila, pag-eedukasyon sa kanila, at pagtuturo sa kanila; at gayon din ang sigalot ng lalaki sa kapit-bahay niya at tulad niyon. Baka kayo ay tumutukoy niyon?" Nagsabi sila: "Siya nga." Nagsabi siya: "Ang mga iyon ay mga sigalot na humihiling ng pagtutuos. Kabilang sa mga iyon ay mga pagkakasalang inaasahan ang pagtatakip-sala sa mga ito sa pamamagitan ng mga magandang gawa gaya ng ṣalāh, pag-aayuno, at kawanggawa. Subalit alin sa inyo ang nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit ng mga pangkalahatang sigalot, na dahil sa tindi ng bigat ng mga iyon at dami ng pagkalaganap ng mga iyon, bumubulabog ang mga iyon sa mga tao gaya ng pagbulabog ng dagat?" Kaya nanahimik ang mga tao saka nagsabi si Ḥudhayfah bin Al-Yamān (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ako po ay nakarinig sa kanya." Kaya natuwa si `Umar (malugod si Allāh dito) at nagsabi siya rito: "Ukol kay Allāh ang tagumpay ng ama mo yayamang nagluwal siya ng tulad mo."} Sabihing nagsabi si Ḥudhayfah na nagsabi ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Lalantad ang mga sigalot at kakapit sa luwang at gilid ng puso ng tao gaya ng pagkapit ng higaang banig sa tagiliran ng natutulog dito at aapekto ito sa puso dala ng tindi ng pagkakapit ng mga sigalot dito. Panunumbalikin ang mga sigalot na ito at mauulit-ulit ang mga ito isang sigalot matapos ng isa pa. Ang alinmang puso na pumasok ang mga iyon dito, umibig sa mga ito, at nakihalo ang mga iyon dito gaya ng pakikihalo at pagpasok ng inumin, may itutuldok sa puso niya na isang itim na tuldok; at ang alinmang puso na tumanggi sa mga ito, may itutuldok dito na isang puting tuldok; hanggang sa ang mga puso ay maging nasa dalawang uri: isang puting puso dahil sa katindihan ng pagkakatali ng pananampalataya at pagkaligtas nito sa mga kasiraan at na ang mga sigalot ay hindi nakakapit dito at hindi nakaapekto rito gaya ng bato ng kabusilakang makinis na walang kumakapit dito na anuman kaya walang pumipinsala rito na isang sigalot hanggang sa makatagpo niya si Allāh. Ang ibang puso ay pusong nag-iba ang kulay nito na naging itim dahil sa mga sigalot, gaya ng banga-bangaang nakatagilid o itinaob, na walang makapanatili rito na tubig. Ganito ang taguring ito, walang makakakapit dito na kabutihan ni karunungan, na hindi kumikilala sa isang nakabubuti at hindi tumututol sa isang nakasasama, maliban sa iniibig nito at pinithaya ng sarili nito." Nagsabi si Ḥudhayfah kay `Umar: "Tunay ang mga sigalot na iyon ay walang lalabas na anuman mula sa mga ito sa buhay mo. Sa pagitan mo at ng mga iyon ay may isang pintuang isinara na nalalapit na mawasak." Nagsabi si `Umar: "Mawawasak ba ito sa isang pagkawasak? Kaya kung sakali na ito ay binuksan, baka ito ay panunumbalikin saka isasara." Nagsabi si Ḥudhayfah: "Hindi; bagkus wawasakin ito. Ang pintuang iyon ay [sumasagisag sa] isang lalaking papatayin o mamamatay." Ang binanggit ni Ḥudhayfah ay isang pabatid ng katapatang pinatotohanan. Ito ay hindi mula sa mga pahina ng mga Kitābīy[2] ni mula sa pagsusumikap ng isang may pananaw; bagkus mula sa ḥadīth ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).