عَنْ عِمْرَانَ بْنِ حُصَيْنٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«خَيْرُكُمْ قَرْنِي، ثُمَّ الَّذِينَ يَلُونَهُمْ، ثُمَّ الَّذِينَ يَلُونَهُمْ» قَالَ عِمْرَانُ: لاَ أَدْرِي أَذَكَرَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بَعْدُ قَرْنَيْنِ أَوْ ثَلاَثَةً، قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «إِنَّ بَعْدَكُمْ قَوْمًا يَخُونُونَ وَلاَ يُؤْتَمَنُونَ، وَيَشْهَدُونَ وَلاَ يُسْتَشْهَدُونَ، وَيَنْذِرُونَ وَلاَ يَفُونَ، وَيَظْهَرُ فِيهِمُ السِّمَنُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2651]
المزيــد ...
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang salinlahi ko, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila."} Nagsabi si `Imrān: {Hindi ako nakaaalam kung bumanggit ba ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos niyon ng dalawang salinlahi o tatlo? Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na matapos ninyo ay mga taong magtataksil at hindi pagkakatiwalaan. Sasaksi sila samantalang hindi sila pinasasaksi at mamamanata sila samantalang hindi sila tumutupad. Lilitaw sa kanila ang katabaan."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2651]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamabuting uring panlipunan ng mga taong nagsasama sa iisang panahon ay ang uring panlipunang naroon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga kasamahan niya, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila kabilang sa mga mananampalataya na nakaabot sa mga Kasamahan at hindi nakaabot sa Sugo ni Allāh, pagkatapos ang mga sumusunod sa kanila na mga tagasunod ng mga Tagasunod. Nag-atubili ang Kasamahan sa pagbanggit ng mga sumusunod sa kanila sa ikaapat na salinlahi. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na matapos ninyo ay mga taong magtataksil at hindi magtitiwala ang mga tao sa kanila. Sasaksi sila bago hilingin ang pagsaksi mula sa kanila. Mamamanata sila at hindi sila tutupad dito. Magpapakalawak sila sa mga makakain at mga maiinom hanggang sa lumitaw sa kanila ang katabaan."