+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ يَوْمَ خَيْبَرَ:
«لَأُعْطِيَنَّ هَذِهِ الرَّايَةَ رَجُلًا يُحِبُّ اللهَ وَرَسُولَهُ، يَفْتَحُ اللهُ عَلَى يَدَيْهِ» قَالَ عُمَرُ بْنُ الْخَطَّابِ: مَا أَحْبَبْتُ الْإِمَارَةَ إِلَّا يَوْمَئِذٍ، قَالَ فَتَسَاوَرْتُ لَهَا رَجَاءَ أَنْ أُدْعَى لَهَا، قَالَ فَدَعَا رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَلِيَّ بْنَ أَبِي طَالِبٍ، فَأَعْطَاهُ إِيَّاهَا، وَقَالَ: «امْشِ، وَلَا تَلْتَفِتْ، حَتَّى يَفْتَحَ اللهُ عَلَيْكَ» قَالَ فَسَارَ عَلِيٌّ شَيْئًا ثُمَّ وَقَفَ وَلَمْ يَلْتَفِتْ، فَصَرَخَ: يَا رَسُولَ اللهِ، عَلَى مَاذَا أُقَاتِلُ النَّاسَ؟ قَالَ: «قَاتِلْهُمْ حَتَّى يَشْهَدُوا أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ، فَإِذَا فَعَلُوا ذَلِكَ فَقَدْ مَنَعُوا مِنْكَ دِمَاءَهُمْ وَأَمْوَالَهُمْ، إِلَّا بِحَقِّهَا وَحِسَابُهُمْ عَلَى اللهِ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2405]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi noong Araw ng Khaybar:
"Talagang magbibigay nga ako ng watawat na ito sa isang lalaking umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya, na magpapawagi si Allāh sa pamamagitan ng mga kamay niya." Nagsabi si `Umar bin `Al-Khaṭṭāb: "Hindi ako umibig sa pamumuno maliban sa araw na iyon." Nagsabi ito: "Kaya nag-angat ako ng sarili para rito sa pag-asa na tawagin ako para rito." Nagsabi ito: "Saka tumawag ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Alīy bin Abī Ṭālib saka ibinigay rito iyon at nagsabi siya: Lumakad ka at huwag kang lumingon hanggang sa magpawagi si Allāh sa iyo." Nagsabi ito: "Kaya humayo si `Alīy nang kaunti, pagkatapos tumigil siya at hindi lumingon, saka sumigaw siya: O Sugo ni Allāh, batay sa ano po ako makikipaglaban sa mga tao?" Nagsabi siya: "Makipaglaban ka sa kanila hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh; sapagkat kapag ginawa nila iyan, nakapangalaga nga sila laban sa iyo ng mga buhay nila at mga ari-arian nila, maliban sa karapatan sa mga ito. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allāh."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2405]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan hinggil sa pagkakaadya sa mga Muslim mula kinabukasan laban sa mga Hudyo ng Khaybar na isang lungsod malapit sa Madīnah. Iyon ay sa kamay ng isang lalaking bibigyan ng watawat. Ito ay ang bandila na ginagawa ng hukbo bilang simbolo para rito. Ang lalaking ito ay may katangian na siya ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Nito at umiibig sa kanya si Allāh at ang Sugo Nito.
Bumanggit nga si Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay hindi umibig sa pamumuno at na maging siya ang pinapakay, maliban sa araw na iyon, sa pag-asa na tumama sa kanya ang sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pag-ibig kay Allāh at sa Sugo Nito. Nag-unat si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) ng katawan niya upang makakita sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-asa na tawagin siya para rito at dala ng sigasig at dala ng pagmimithi sa pagkuha ng watawat na iyon.
Ngunit tinawag ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) saka ibinigay sa kanya ang watawat. Nag-utos sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kumilos siya kasama ng hukbo at hindi bumaling palayo sa pakikipaglaban matapos makipagtagpo sa kaaway niya dahil sa pahinga o pagtigil o tigil-labanan hanggang sa magpawagi si Allāh sa kanya sa mga muog na ito sa pamamagitan ng pagkapanalo at pananaig.
Humayo si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya), pagkatapos huminto siya subalit siya ay hindi lumingon upang hindi sumalungat sa utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagtaas si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) ng tinig niya: "O Sugo ni Allāh, batay sa ano po ako makikipaglaban sa mga tao?"
Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Makipaglaban ka sa kanila hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh; sapagkat kapag tumugon sila at nakapasok sila sa Islām, nakapangalaga nga sila laban sa iyo ng mga buhay nila at mga ari-arian nila at naging bawal ang mga ito sa iyon, maliban sa karapatan sa mga ito. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allāh."}

من فوائد الحديث

  1. Ang mga Kasamahan ay nasusuklam sa pamumuno dahil sa dulot nito na kabigatan ng pananagutan.
  2. Ang pagpayag sa pagmimithi at pag-aabang-abang para sa isang bagay na nasigurado ang kabutihan nito.
  3. Ang pagpapanuto ng pinuno sa komandante ng hukbo sa pamamaraan ng pangangasiwa sa larangan ng labanan.
  4. Ang pagsunod ng mga Kasamahan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tagubilin at ang pagdadali-dali sa pagpapatupad sa mga ito.
  5. Ang sinumang may ikinasuliranin sa kanya na isang bagay kaugnay sa hiniling mula sa kanya, magtatanong siya tungkol dito.
  6. Kabilang sa mga katunayan ng pagkapropeta ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpapabatid niya hinggil sa pagwawagi laban sa mga Hudyo yayamang nagpabatid siya tungkol sa pagsakop sa Khaybar saka nangyari ito gaya ng ipinabatid niya.
  7. Ang paghimok sa paglalakas-loob at pagdadali-dali sa ipinag-utos ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  8. Hindi pinapayagan ang pagpatay sa sinumang bumigkas ng Dalawang Pagsaksi malibang kapag lumitaw mula sa kanya ang nag-oobliga sa pagpatay.
  9. Ipinatutupad ang mga patakaran ng Islām ayon sa lumilitaw sa mga tao at si Allāh ay babalikat sa mga budhi nila.
  10. Ang pinakadakilang pinapakay ng pakikibaka ay ang pagpasok ng mga tao sa Islām.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الليتوانية الدرية الصربية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan