+ -

عَنْ ‌أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ:
أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ افْتَقَدَ ثَابِتَ بْنَ قَيْسٍ، فَقَالَ رَجُلٌ: يَا رَسُولَ اللهِ، أَنَا أَعْلَمُ لَكَ عِلْمَهُ، فَأَتَاهُ فَوَجَدَهُ جَالِسًا فِي بَيْتِهِ، مُنَكِّسًا رَأْسَهُ، فَقَالَ: مَا شَأْنُكَ؟ فَقَالَ شَرٌّ، كَانَ يَرْفَعُ صَوْتَهُ فَوْقَ صَوْتِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَدْ حَبِطَ عَمَلُهُ، وَهُوَ مِنْ أَهْلِ النَّارِ، فَأَتَى الرَّجُلُ فَأَخْبَرَهُ أَنَّهُ قَالَ كَذَا وَكَذَا، فَرَجَعَ الْمَرَّةَ الْآخِرَةَ بِبِشَارَةٍ عَظِيمَةٍ، فَقَالَ: «اذْهَبْ إِلَيْهِ فَقُلْ لَهُ: إِنَّكَ لَسْتَ مِنْ أَهْلِ النَّارِ، وَلَكِنْ مِنْ أَهْلِ الْجَنَّةِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3613]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakapansin ng pagkawala ni Thābit bin Qays kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, ako ay mag-aalam para sa iyo ng kaalaman sa kanya." Kaya pumunta ito roon, saka nakatagpo ito roon habang nakaupo sa bahay niyon habang nagyuyuko ng ulo niyon. Kaya nagsabi ito roon: "Ano ang nangyari sa iyo?" Kaya naman nagsabi iyon: "Kasamaan." Iyon noon ay nagtataas ng tinig niyon higit sa tinig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nawalang-kabuluhan ang gawa niyon at iyon ay kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. Pumunta ang lalaki [sa Propeta] at nagpabatid sa kanya ito na iyon ay nagsabi ng ganito at ganoon. Saka [sinabing] bumalik ito roon sa ibang pagkakataon kalakip ng isang dakilang nakagagalak na balita sapagkat nagsabi siya: "Pumunta ka sa kanya saka magsabi ka sa kanya: Tunay na ikaw ay hindi kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, bagkus kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3613]

Ang pagpapaliwanag

Nakapansin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkawala ni Thābit bin Qays (malugod si Allāh sa kanya) at nagtanong siya tungkol doon, kaya may nagsabing isang lalaki: "Ako ay makatatagpo para sa iyo ng balita sa kanya at kadahilanan ng pagpapakaliban niya." Kaya pumunta ito roon, saka nakatagpo ito roon na malungkot na nagtutungo ng ulo niyon sa bahay niyon. Kaya nagsabi ito roon: "Ano ang nangyari sa iyo?" Kaya naman nagpabatid dito si Thābit ng dinaranas niya na kasamaan dahil siya noon ay nagtataas ng tinig niya higit sa tinig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang nagbanta na si Allāh laban sa paggawa niyon ng pagkawalang-kabuluhan ng gawa niya at na siya ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno.
Kaya bumalik ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagpabatid sa kanya hinggil doon. Nag-utos naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumalik ito kay Thābit at magbalita ng nakagagalak doon na iyon ay hindi kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, bagkus kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso. Iyan ay dahil ang tinig niyon ay mataas dala ng kalikasan at dahil iyon ay mananalumpati ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mananalumpati ng mga Tagaadya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa kainaman ni Thābit bin Qays (malugod si Allāh sa kanya) at na siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso.
  2. Ang pagpapahalaga ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya at ang pagsisiyasat niya sa lagay nila.
  3. Ang takot ng mga Kasamahan (ang lugod ni Allāh ay sumakanila) at ang pangamba nila na mawalang-kabuluhan ang mga gawa nila.
  4. Ang pagkakinakailangan ng etiketa sa pakikipag-usap sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa panahon ng buhay niya at ang pagbababa ng mga tinig sa sandali ng pagkarinig sa Sunnah niya matapos ng pagpanaw niya.
Ang karagdagan