+ -

عَنِ ‌ابْنِ عُمَرَ رضي الله عنهما:
أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ خَطَبَ النَّاسَ يَوْمَ فَتْحِ مَكَّةَ، فَقَالَ: «يَا أَيُّهَا النَّاسُ، إِنَّ اللهَ قَدْ أَذْهَبَ عَنْكُمْ عُبِّيَّةَ الْجَاهِلِيَّةِ وَتَعَاظُمَهَا بِآبَائِهَا، فَالنَّاسُ رَجُلَانِ: بَرٌّ تَقِيٌّ كَرِيمٌ عَلَى اللهِ، وَفَاجِرٌ شَقِيٌّ هَيِّنٌ عَلَى اللهِ، وَالنَّاسُ بَنُو آدَمَ، وَخَلَقَ اللهُ آدَمَ مِنْ تُرَابٍ، قَالَ اللهُ: {يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنَّا خَلَقْنَاكُمْ مِنْ ذَكَرٍ وَأُنْثَى وَجَعَلْنَاكُمْ شُعُوبًا وَقَبَائِلَ لِتَعَارَفُوا إِنَّ أَكْرَمَكُمْ عِنْدَ اللهِ أَتْقَاكُمْ إِنَّ اللهَ عَلِيمٌ خَبِيرٌ} [الحجرات: 13]».

[صحيح] - [رواه الترمذي وابن حبان] - [سنن الترمذي: 3270]
المزيــد ...

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtalumpati sa mga tao sa araw ng pagsakop sa Makkah sapagkat nagsabi siya: "O mga tao, tunay na si Allāh ay nag-alis nga sa inyo ng kapalaluan ng Kamangmangan at pagsasadakila nito sa mga ninuno nito. Ang mga tao ay dalawang tao: isang mabuting-loob na mapangilagin magkasala na marangal kay Allāh at isang masamang-loob na malumbay na hamak kay Allāh. Ang mga tao ay mga anak ni Adan. Lumikha si Allāh kay Adan mula sa alabok. Nagsabi si Allāh: {O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.} (Qur'ān 49:13)"}

[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 3270]

Ang pagpapaliwanag

Nagtalumpati ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tao sa araw ng pagsakop sa Makkah sapagkat nagsabi siya: "O mga tao, tunay na si Allāh ay pumawi at nagtanggal sa inyo ng pagmamalaki ng Kamangmangan, kahambugan nito, at pagyayabang ng mga ninuno. Ang mga tao ay dalawang uri lamang:
maaaring isang mananampalatayang mabuting-loob na mapangilagin magkasala na tagatalimang mananamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – ito ay marangal kay Allāh, kahit pa siya ay hindi naging may kamaharlikaan at kaangkanan sa ganang mga tao;
at maaaring isang tagatangging sumampalataya na masamang-loob na malumbay – Ito ay hamak na aba kay Allāh at hindi pumapantay sa anuman, kahit pa siya ay naging may kamaharlikaan at may reputasyon at awtoridad.
Ang mga tao sa kalahatan nila ay mga anak ni Adan. Lumikha si Allāh kay Adan mula sa alabok. Kaya naman hindi naangkop sa sinumang ang pinagmulan niya ay mula sa alabok na magpakamalaki at humanga sa sarili niya. Ang pagkatotoo niyon ay ang sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.} (Qur'ān 49:13)

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsaway laban sa pagpapayabangan sa mga kaangkanan at mga kamaharlikaan.
Ang karagdagan