عن علي بن أبي طالب رضي الله عنه قال: "حدثوا الناس بما يعرفون، أتريدون أن يُكذَّب اللهُ ورسولهُ؟".
[صحيح] - [أخرجه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Kausapin ninyo ang mga tao ng nalalaman nilalaman nila. Ninanais ba ninyong pasinungalingan si Allāh at ang Sugo Niya."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Nagpapayo ang Pinuno ng mga Mananampalataya, si Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, na hindi nararapat na makipag-usap sa madlang tao maliban sa pamamagitan ng nalalamang makikinabang ang mga tao hinggil sa pangunahing panuntunan ng Relihiyon nila at mga patakaran nito tulad ng Tawḥīd at paglilinaw sa ipinahihintulot (ḥalāl) at ipinagbabawal (ḥarām), at isasaisang-tabi ang anumang nakaaabala roon na kabilang sa anumang walang pangangailangan doon o kabilang sa anumang maaaring humantong sa pagtulak sa katotohanan at hindi pagtanggap nito na kabilang sa nakalilito sa kanila ang pag-unawa niyon at mahirap sa kanila ang pagtalos niyon.