+ -

عن أَنَسَ بْنَ مَالِكٍ رضي الله عنه قال:
بينما نحن جلوس مع النبي صلى الله عليه وسلم في المسجد دخل رجل على جمل، فأناخه في المسجد ثم عقله، ثم قال لهم: أيكم محمد؟ والنبي صلى الله عليه وسلم متكئ بين ظهرانيهم، فقلنا: هذا الرجل الأبيض المتكئ. فقال له الرجل: يا ابن عبد المطلب فقال له النبي صلى الله عليه وسلم: «قد أجبتك». فقال الرجل للنبي صلى الله عليه وسلم: إني سائلك فمشدد عليك في المسألة، فلا تجد علي في نفسك؟ فقال: «سل عما بدا لك» فقال: أسألك بربك ورب من قبلك، آلله أرسلك إلى الناس كلهم؟ فقال: «اللهم نعم». قال: أنشدك بالله، آلله أمرك أن نصلي الصلوات الخمس في اليوم والليلة؟ قال: «اللهم نعم». قال: أنشدك بالله، آلله أمرك أن نصوم هذا الشهر من السنة؟ قال: «اللهم نعم». قال: أنشدك بالله، آلله أمرك أن تأخذ هذه الصدقة من أغنيائنا فتقسمها على فقرائنا؟ فقال النبي صلى الله عليه وسلم: «اللهم نعم». فقال الرجل: آمنت بما جئت به، وأنا رسول من ورائي من قومي، وأنا ضمام بن ثعلبة أخو بني سعد بن بكر.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 63]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Habang kami ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid, may pumasok na isang lalaki lulan ng isang kamelyo saka nagpaluhod ito niyon sa masjid, pagkatapos nagtali ito niyon. Pagkatapos nagsabi ito sa kanila: "Alin sa inyo si Muḥammad?" Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakasandal sa piling nila. Nagsabi kami: "Itong puting lalaking nakasandal." Kaya nagsabi sa kanya ang lalaki: "O anak ni `Abdulmuṭṭalib." Kaya nagsabi naman dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumagot nga ako sa iyo." Kaya nagsabi ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay magtatanong sa iyo saka magpapatindi sa iyo sa pagtatanong, kaya naman huwag kang mainis sa akin sa sarili mo." Kaya nagsabi siya: "Magtanong ka ng lumitaw sa iyo." Kaya nagsabi ito: "Magtatanong ako sa iyo, sumpa man sa Panginoon mo at Panginoon ng bago mo. Si Allāh ba ay nagsugo sa iyo sa mga tao sa kabuuan nila?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na magdasal tayo ng limang dasal sa araw at gabi?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na mag-ayuno tayo sa buwang ito ng taon?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na kumuha tayo ng kawanggawang ito mula sa mga mayaman natin para maghati ka nito sa mga maralita natin?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Kaya nagsabi ang lalaki: "Sumampalataya ako sa anumang inihatid mo. Ako ay isang sugo mula sa likuran ko mula sa mga kababayan ko. Ako ay si Ḍimām bin Tha`labah na kapatid ng angkan ni Sa`d bin Bakr."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 63]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): Habang ang mga Kasamahan ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid, biglang may pumasok na isang lalaki lulan ng isang kamelyo saka nagpaluhod ito niyon, pagkatapos nagtali ito niyon. Pagkatapos nagtanong ito sa kanila: Alin sa inyo si Muḥammad? Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakasandal sa piling ng mga tao. Kaya nagsabi kami: "Itong puting lalaking nakasandal." Kaya nagsabi sa kanya ang lalaki: "O anak ni `Abdulmuṭṭalib." Kaya nagsabi dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakarinig ako sa iyo; kaya magtanong ka, sasagot ako sa iyo." Kaya nagsabi ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay magtatanong sa iyo saka magpapatindi sa iyo sa pagtatanong, kaya naman huwag kang mainis sa akin sa sarili mo." Ibig sabihin: Huwag kang magalit sa akin at huwag kang dapuan ng paninikip. Kaya nagsabi siya: "Magtanong ka ng ninanais mo." Kaya nagsabi ito: "Magtatanong ako sa iyo, sumpa man sa Panginoon mo at Panginoon ng bago mo. Si Allāh ba ay nagsugo sa iyo sa mga tao?" Kaya nagsabi siya: "O Allāh, oo," bilang pagbibigay-diin sa katapatan niya. Nagsabi ang lalaki: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh," ibig sabihin: Humihiling ako sa iyo, sumpa man kay Allāh, "Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na magdasal tayo ng limang dasal sa araw at gabi?" Ang mga ito ay ang mga ṣalāh na isinatungkulin. Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na mag-ayuno tayo sa buwang ito ng taon?" Ibig sabihin: sa buwan ng Ramaḍān. Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na kumuha tayo ng kawanggawang ito mula sa mga mayaman natin para maghati ka nito sa mga maralita natin?" Ito ay ang zakāh. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, oo." Kaya umanib sa Islām si Ḍimām at nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay mag-aanyaya sa lipi niya tungo sa Islām. Pagkatapos nagpakilala siya ng sarili niya na siya ay si Ḍimām bin Tha`labah mula sa lipi ni Sa`d bin Bakr.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpapakumbaba ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) yayamang hindi nakaya ng lalaki na makakilala sa pagitan niya at ng mga Kasamahan niya.
  2. Ang kagandahan ng kaasalan ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at ang pagpapakabanayad niya sa pagtugon sa tagatanong. Ang kagandahan ng pagtugon ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagtanggap ng paanyaya.
  3. Ang pagpayag sa pagpapakilala sa lalaki sa pamamagitan ng katangian na kaputian, kakayumanggian, katangkaran, kababaan, at tulad niyon kabilang sa hindi nilalayon dito ang kapintasan kung hindi siya masusuklam doon.
  4. Ang pagpayag sa pagpasok sa masjid ng tagatangging sumampalataya dahil sa pangangailangan.
  5. Hindi binanggit ang ḥajj sa ḥadīth dahil ito ay baka hindi pa isinatungkulin sa oras ng pagdating nito.
  6. Ang pagsisigasig ng mga Kasamahan sa pag-aanyaya sa mga tao sapagkat sa payak na pag-anib nito sa Islām ay nagsigasig ito sa pag-aanyaya sa lipi nito.
Ang karagdagan