+ -

عَنْ زِيَادِ بْنِ لَبِيدٍ رضي الله عنه قَالَ:
ذَكَرَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ شَيْئًا، فَقَالَ: «ذَاكَ عِنْدَ أَوَانِ ذَهَابِ الْعِلْمِ» قُلْتُ: يَا رَسُولَ اللَّهِ، وَكَيْفَ يَذْهَبُ الْعِلْمُ، وَنَحْنُ نَقْرَأُ الْقُرْآنَ وَنُقْرِئُهُ أَبْنَاءَنَا وَيُقْرِئُهُ أَبْنَاؤُنَا أَبْنَاءَهُمْ إِلَى يَوْمِ الْقِيَامَةِ؟ قَالَ: «ثَكِلَتْكَ أُمُّكَ زِيَادُ، إِنْ كُنْتُ لَأُرَاكَ مِنْ أَفْقَهِ رَجُلٍ بِالْمَدِينَةِ، أَوَلَيْسَ هَذِهِ الْيَهُودُ وَالنَّصَارَى يَقْرَؤونَ التَّوْرَاةَ وَالْإِنْجِيلَ، لَا يَعْمَلُونَ بِشَيْءٍ مِمَّا فِيهِمَا؟!».

[صحيح لغيره] - [رواه ابن ماجه] - [سنن ابن ماجه: 4048]
المزيــد ...

Ayon kay Ziyād bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang bagay saka nagsabi: "Iyan ay sa sandali ng mga panahon ng pag-alis ng kaalaman." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, at papaano po aalis ang kaalaman samantalang kami ay bumibigkas ng Qur'ān at nagpapabigkas nito sa mga anak namin at magpapabigkas nito ang mga anak namin sa mga anak nila hanggang sa Araw ng Pagbangon?" Nagsabi siya: "Mangulila nawa sa iyo ang ina mo, O Ziyād! Tunay na ako dati ay talagang nagtuturing sa iyo na kabilang sa pinakamapag-unawang lalaki sa Madīnah. Hindi ba ang mga Hudyo at ang mga Kristiyanong ito ay nagbabasa ng Torah at Ebanghelyo, na hindi naman sila gumagawa ayon sa anuman mula sa nasaad sa dalawang ito?"}

[Tumpak dahil sa iba pa rito] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah] - [سنن ابن ماجه - 4048]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo sa piling ng mga Kasamahan niya saka nagsabi siya: "Iyan ay ang oras na papawiin at aalisin diyan ang kaalaman mula sa mga tao." Kaya nagulat si Ziyād bin Labīd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) at nagtanong ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ito: "Papaanong papawiin ang kaalaman at iwawala mula sa amin samantalang bumigkas nga kami ng Qur'ān at nagsaulo kami nito; saka sumpa man kay Allāh, talagang bumibigkas nga kami nito at talagang nagpapabigkas nga kami nito sa mga kababaihan namin, mga anak namin, at mga anak ng mga anak namin?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nagugulat: "Manabik nawa sa iyo ang ina mo, O Ziyād! Tunay na ako dati ay talagang nagtuturing sa iyo na kabilang sa mga maalam ng mga mamamayan ng Madīnah." Pagkatapos naglinaw rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkawala ng kaalaman ay hindi sa pagkawala ng Qur'ān, subalit ang pagkawala ng kaalaman ay dahil sa pagkawala ng paggawa ayon dito. Itong Torah at Ebanghelyo sa piling ng mga Hudyo at mga Kristiyano, sa kabila niyon, ay hindi nagpakinabang sa kanila. Hindi sila nakahango ng katuturan mula sa pinapakay ng mga ito, ang paggawa ayon sa nalaman nila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkakaroon ng mga muṣḥaf at mga aklat sa mga kamay ng mga tao ay hindi nagpapakinabang kung walang paggawa ayon sa mga ito.
  2. Ang pagpawi ng kaalaman ay dahil sa mga pangyayari, na kabilang sa mga ito: ang pagkamatay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang pagkamatay ng mga maalam, at ang pag-iwan ng paggawa ayon sa kaalaman.
  3. Kabilang sa mga palatandaan ng Huling Sandali ang pag-alis ng kaalaman at ang pag-iwan ng paggawa ayon dito.
  4. Ang paghimok sa paggawa ayon sa kaalaman sapagkat tunay na ito ay ang pinapakay.
Ang karagdagan