+ -

عَنْ ‌أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ:
كَانَ أَهْلُ الْكِتَابِ يَقْرَؤُونَ التَّوْرَاةَ بِالْعِبْرَانِيَّةِ، وَيُفَسِّرُونَهَا بِالْعَرَبِيَّةِ لِأَهْلِ الْإِسْلَامِ، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «لَا تُصَدِّقُوا أَهْلَ الْكِتَابِ وَلَا تُكَذِّبُوهُمْ، وَقُولُوا: {آمَنَّا بِاللهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْنَا} [البقرة: 136] الْآيَةَ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 4485]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang mga may kasulatan noon ay nagbabasa ng Torah sa Hebreo at nagpapakahulugan nito sa Arabe para sa mga alagad ng Islām, kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magpatotoo sa mga may kasulatan at huwag kayong magpasinungaling sa kanila. Magsabi kayo (Qur'ān 2:136): Sumampalataya kami kay Allāh, at sa pinababa sa amin,"}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 4485]

Ang pagpapaliwanag

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya laban sa pagkalinlang sa isinasalaysay ng mga may kasulatan mula sa mga kasulatan nila, yayamang ang mga Hudyo sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagbabasa ng Torah sa wikang Hebreo, ang wika ng mga Hudyo, at nagpapakahulugan nito sa Arabe. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magpatotoo sa mga may kasulatan at huwag kayong magpasinungaling sa kanila." Ito ay kaugnay sa hindi nalalaman ang pagkatotoo niyon at pagkasinungaling niyon. Iyon ay dahil si Allāh ay nag-utos sa atin na sumampalataya tayo sa pinababa Niya sa atin na Qur'ān at pinababa Niya sa kanila na kasulatan. Gayon pa man, walang paraan para sa atin para malaman natin ang tumpak sa ikinukuwento nila buhat sa mga kasulatang iyon mula sa mali rito yayamang hindi nasaad sa Batas natin ang magpapaliwanag sa pagkatotoo nito mula sa pagkasinungaling nito. Kaya hihinto tayo saka hindi tayo magpapatotoo sa kanila upang tayo ay hindi maging mga katambal sa kanila kaugnay sa pinilipit nila mula roon at hindi tayo magpapasinungaling sa kanila sapagkat baka ito ay maging tumpak kaya tayo ay magiging mga tagapagkaila ng ipinag-utos sa atin na sampalatayanan natin. Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsabi tayo: {Sabihin ninyo: "Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin, at sa pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa kabilang sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop."} (Qur'ān 2:136)

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang ipinabatid ng mga may kasulatan ay tatlong bahagi: isang bahaging sumasang-ayon sa Qur'ān at Sunnah kaya mapatotohanan ito, isang bahaging sumasalungat sa Qur'ān at Sunnah kaya ito ay bulaan at mapasisinungalingan, at ikatlong bahaging wala sa Qur'ān at Sunnah ang nagpapahiwatig sa pagkatotoo nito at pagkasinungaling nito kaya maisasalaysay ito at hindi patotohanan ni pasisinungalingan.