+ -

عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رضي الله عنهما أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَا تَعَلَّمُوا الْعِلْمَ لِتُبَاهُوا بِهِ الْعُلَمَاءَ، وَلَا لِتُمَارُوا بِهِ السُّفَهَاءَ، وَلَا تَخَيَّرُوا بِهِ الْمَجَالِسَ، فَمَنْ فَعَلَ ذَلِكَ، فَالنَّارُ النَّارُ».

[صحيح] - [رواه ابن ماجه] - [سنن ابن ماجه: 254]
المزيــد ...

Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Huwag kayong magpakatuto ng kaalaman upang makipagmayabang kayo nito sa mga maalam at hindi upang makipagtaltalan kayo nito sa mga hunghang. Huwag kayong mamili sa pamamagitan nito ng mga upuan sapagkat ang sinumang gumawa niyon ay ang Apoy, ang Apoy [ang papasukin]."}

[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah] - [سنن ابن ماجه - 254]

Ang pagpapaliwanag

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa paghahanap ng kaalaman para makipagyabangan at makipagtagisan sa mga maalam, sa paghahayag ng ganito: "Ako ay marunong tulad ninyo," o makipagtalumpati at makipagdebate sa pamamagitan nito sa mga hunghang at mga mahina ang mga isip, o magpakatuto upang manguna sa mga pagtitipon at unahin sa iba sa kanya roon. Ang sinumang gumawa niyon, tunay na siya ay nagiging karapat-dapat sa Impiyerno dahil sa pagpapakitang-tao niya at kawalan ng pagpapakawagas sa paghahanap ng kaalaman para kay Allāh.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang banta ng Impiyerno sa sinumang nagpakatuto ng kaalaman upang makipagmayabang sa pamamagitan nito o makipagdebate sa pamamagitan nito o manguna sa pamamagitan nito sa mga pagtitipon at tulad niyon.
  2. Ang kahalagahan ng pagpapakawagas ng layunin ng sinumang nagpakatuto ng kaalaman at nagturo nito.
  3. Ang layunin ay ang pundasyon ng mga gawain at nakasalalay rito ang ganti.