عَنْ النَّوَّاسِ بْنِ سَمْعَانَ الْأَنْصَارِيِّ رضي الله عنه عَنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«ضَرَبَ اللهُ مَثَلًا صِرَاطًا مُسْتَقِيمًا، وَعَلَى جَنْبَتَيْ الصِّرَاطِ سُورَانِ، فِيهِمَا أَبْوَابٌ مُفَتَّحَةٌ، وَعَلَى الْأَبْوَابِ سُتُورٌ مُرْخَاةٌ، وَعَلَى بَابِ الصِّرَاطِ دَاعٍ يَقُولُ: أَيُّهَا النَّاسُ، ادْخُلُوا الصِّرَاطَ جَمِيعًا، وَلَا تَتَعَرَّجُوا، وَدَاعٍ يَدْعُو مِنْ فَوْقِ الصِّرَاطِ، فَإِذَا أَرَادَ يَفْتَحُ شَيْئًا مِنْ تِلْكَ الْأَبْوَابِ، قَالَ: وَيْحَكَ لَا تَفْتَحْهُ، فَإِنَّكَ إِنْ تَفْتَحْهُ تَلِجْهُ، وَالصِّرَاطُ الْإِسْلَامُ، وَالسُّورَانِ: حُدُودُ اللهِ، وَالْأَبْوَابُ الْمُفَتَّحَةُ: مَحَارِمُ اللهِ، وَذَلِكَ الدَّاعِي عَلَى رَأْسِ الصِّرَاطِ: كِتَابُ اللهِ، وَالدَّاعِي مِنِ فَوْقَ الصِّرَاطِ: وَاعِظُ اللهِ فِي قَلْبِ كُلِّ مُسْلِمٍ».
[صحيح] - [رواه الترمذي وأحمد] - [مسند أحمد: 17634]
المزيــد ...
Ayon kay An-Nawās bin Sam`ān Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang landasing tuwid. Sa dalawang gilid ng landasin ay may dalawang pader. Sa dalawang ito ay may mga pintong pinagbubuksan. Sa mga pinto ay may mga tabing na pinalugay. Sa pinto ng landasin ay may isang tagapag-anyayang nagsasabi: 'O mga tao, pumasok kayo sa landasan nang lahatan at huwag kayong babaluktut-baluktot,' at may isang tagapag-anyayang nag-aanyaya mula sa ibabaw ng landasin, na kapag may nagnais magbukas ng anuman mula sa mga pintong iyon ay nagsasabi ito: 'Kalumbayan sa iyo! Huwag mong buksan iyan sapagkat tunay na ikaw, kung magbubukas niyan, ay lulusot ka riyan.' Ang landasin ay ang Islām. Ang dalawang pader ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang mga pintong pinagbubuksan ay ang mga pagbabawal ni Allāh. Ang tagapag-anyayang iyon sa unahan ng landasin ay ang Aklat ni Allāh. Ang tagapag-anyaya mula sa ibabaw ng landasin ay ang tagapangaral ni Allāh sa puso ng bawat Muslim."}
[Tumpak] - - [مسند أحمد - 17634]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na: "Si Allāh ay naglahad ng isang paghahalintulad ng Islām sa daang tuwid na nakaladlad na walang kabaluktutan dito. Sa dalawang gilid ng daang ito ay may dalawang pader o dalawang dingding na pumapalibot dito mula sa dalawang dako nito. Ang dalawang ito ang mga hangganan ni Allāh. Pumapagitna sa dalawang dingding na ito ang mga pintong pinagbubuksan: ang mga ipinagbabawal ni Allāh. Sa mga pintong iyon ay may mga pantabing na hindi naglalantad sa tagadaan sa daan ng sinumang nasa loob ng mga ito. Sa simula ng daan ay may isang tagapag-anyayang nagpapanuto sa mga tao, naggagabay sa kanila, at nagsasabi sa kanila: 'Tumahak kayo sa ibabaw nito nang walang pagkiling sa mga tabi at mga gilid.' Ang tagapag-anyayang ito ay ang Aklat ni Allāh. Mayroong isa pang tagapag-anyaya mula sa ibabaw ng daan. Ang tagapag-anyayang ito, sa tuwing nagbalak ang tagalakad sa landasin na magbukas ng isang kaunting sukat mula sa mga pantabing ng mga pintong iyon, ay nagtataboy rito at nagsasabi rito: 'Kapighatian sa iyo! Huwag mong buksan iyan sapagkat tunay na ikaw, kung magbubukas niyan, ay lulusot riyan at hindi makakakaya na magpigil ng sarili mo sa pagpasok.' Ang tagapag-anyayang ito ay ang mangangaral ni Allāh sa puso ng bawat Muslim.