عن أنس رضي الله عنه مرفوعاً: «من خَرج في طلب العلم فهو في سَبِيلِ الله حتى يرجع».
[حسن] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang lumabas alang-alang sa paghahanap ng kaalaman, siya ay nasa landas ni Allah hanggang sa makabalik."
[Maganda] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]
Ang kahulugan ng ḥadīth: Ang sinumang lumabas ng bahay niya o bayan niya sa paghahanap ng kaalamang pang-Islām, siya ay para ring sinumang lumabas para makibaka sa landas ni Allah hanggang sa makauwi sa mag-anak niya dahil siya ay gaya ng nakikibaka sa pagsasabuhay ng Islām, paghamak sa demonyo, at pagpapagod sa sarili.