Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

"Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Ang buong Kalipunan ko ay papasok sa Paraiso, maliban sa sinumang tumanggi."* Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at sino po ang tatanggi?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay tumanggi nga."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Humayo ako sa delegasyon ni `Amer patungo sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi kami:Ikaw ang Pinuno namin.Ang sabi niya: Ang Pinuno ay si Allah-Mapagpala siya-at Pagkataas-taas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Itaas mo ang ulo mo,Magsabi ka ay maririnig ito,Humiling ka at ipagkakaloob ito [sa iyo],At mamagitan ka at [tatanggapin ang pamamagitan mo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagkaloob sa akin ang limang bagay, na hindi kailanman ipinagkaloob sa sinuman mula sa mga propetang nauna sa akin:Tinulungan ako [ni Allah] sa pamamagitan ng pagsindak [sa kalaban] kahit sa layo ng isang buwan na paglalakbay,At ginawa para sa akin ang lupa upang [maging lugar na] pinagpapatirapaan at gawing panlinis
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Binawi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang sa bahay ko ay walang anumang makakain ng isang may atay maliban sa kakarampot na sebada sa isang istante ko. Kinaikain ko ito hanggang sa tumagal sa akin. Tinakal ko ito at naubos ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang mapalalapit nga na bumaba sa inyo ang Anak ni Maria bilang tagahatol na nagpapakamakatarungan para bumasag ng krus, pumatay ng baboy, mag-alis ng jizyah, at mag-umapaw ang yaman hanggang sa walang tumanggap nito na isa man."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Habang kami ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid, may pumasok na isang lalaki lulan ng isang kamelyo saka nagpaluhod ito niyon sa masjid, pagkatapos nagtali ito niyon. Pagkatapos nagsabi ito sa kanila: "Alin sa inyo si Muḥammad?" Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakasandal sa piling nila. Nagsabi kami: "Itong puting lalaking nakasandal." Kaya nagsabi sa kanya ang lalaki: "O anak ni `Abdulmuṭṭalib." Kaya nagsabi naman dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumagot nga ako sa iyo." Kaya nagsabi ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay magtatanong sa iyo saka magpapatindi sa iyo sa pagtatanong, kaya naman huwag kang mainis sa akin sa sarili mo." Kaya nagsabi siya: "Magtanong ka ng lumitaw sa iyo." Kaya nagsabi ito: "Magtatanong ako sa iyo, sumpa man sa Panginoon mo at Panginoon ng bago mo. Si Allāh ba ay nagsugo sa iyo sa mga tao sa kabuuan nila?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na magdasal tayo ng limang dasal sa araw at gabi?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na mag-ayuno tayo sa buwang ito ng taon?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na kumuha tayo ng kawanggawang ito mula sa mga mayaman natin para maghati ka nito sa mga maralita natin?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Kaya nagsabi ang lalaki: "Sumampalataya ako sa anumang inihatid mo. Ako ay isang sugo mula sa likuran ko mula sa mga kababayan ko. @Ako ay si Ḍimām bin Tha`labah na kapatid ng angkan ni Sa`d bin Bakr."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Pinababa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang kasi] noong siya ay apatnapung taong gulang,* saka nanatili siya sa Makkah nang labintatlong taon. Pagkatapos ipinag-utos sa kanya ang paglikas kaya lumikas siya sa Madīnah, saka nanatili siya roon nang sampung taon. Pagkatapos pinapanaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ako noon ay nagsusulat ng bawat bagay na naririnig ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na ninanais kong isaulo, ngunit sumaway sa akin ang liping Quraysh. Nagsabi sila: "Nagsusulat ka ba ng bawat bagay na naririnig mo mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang taong nagsasalita sa [sandali ng] galit at lugod?" Kaya nagpigil ako sa pagsusulat saka bumanggit ako niyon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagpahiwatig siya ng daliri niya sa bibig niya saka nagsabi: @"Sumulat ka sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang lumalabas mula rito kundi totoo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dinalhan noong gabi ng paghatid sa kanya [sa langit] ng dalawang mangkok
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay humingi ng lalagyan na may tubig,ibinigay sa kanya ang lalagyan na Rahrāh na may kaunting tubig, at ipinasok niya ang mga daliri niya sa loob nito,Ang sabi ni Anas: Ginawa kong titigan ang tubig,at ito ay lumalabas sa pagitan ng kanyang mga daliri,at sa palagay ko, ang bilang ng nakapagsagawa ng wudhu rito ay nasa pagitan ng pitumpo hanggang walumpo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu