عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنْ رَسُولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم أنه قال:
«وَالَّذِي نَفْسُ مُحَمَّدٍ بِيَدِهِ لَا يَسْمَعُ بِي أَحَدٌ مِنْ هَذِهِ الْأُمَّةِ يَهُودِيٌّ وَلَا نَصْرَانِيٌّ، ثُمَّ يَمُوتُ وَلَمْ يُؤْمِنْ بِالَّذِي أُرْسِلْتُ بِهِ إِلَّا كَانَ مِنْ أَصْحَابِ النَّارِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 153]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa kalipunang ito na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 153]
Sumusumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Allāh na walang nakaririnig hinggil sa kanya na isa mula sa kalipunang ito, na isang Hudyo o isang Kristiyano o iba pa sa dalawang ito na umaabot sa kanya ang paanyaya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa kanya, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno bilang mamalagi roon magpakailanman.